Epilogue

755 16 2
                                        

Pitong taon.

Pitong taon na ang nakalipas at hindi parin nagbago ang nararamdaman ko.

I'm still inlove with her.

I missed her smile, the way her eyes wrinkle.

When she's confused she tilts her head, looking at me with those eyes.

I surrendered myself, because I know that I'd hurt her more if didn't.

But look what it got me.

Karma got me good.

"Mr. Guilberra?" Asked the policewoman. My eyes trailed to her, she was holding a paper.

"Anong oras na ba?" Tanong ko, napatingin siya sa kanyang relo at tumango. "Alas otso ng umaga...maaari kang lumabas ngayon, ipinapatawag ka ng abogado mo." Wika niya at binuksan ang bakal na pintuan.

Nilingon ko lang rin ang mga cellmates ko, ngunit napangiti sila at binigyan ako ng tapik sa likod.

"Pre...pitong taon ka nang nagsisi. Kaya deserve mo to." Ani ni Joey, isa sa mga cellmates ko na nakulong dahil sa droga.

"Oo nga naman! Celebrate muna siguro tayo bago lumabas si Boss!" Sabat ni Tony, masiglang ngiti ang nakapinta sa kanilang mga mukha.

****

"Maraming salamat sa inyo...dahil napakabuti niyo. Kahit na nakakulong tayo ay mayroon parin kayong mabuting puso.." Panimula ko. Itinaas ko ang baso ng alak at napangiti.

I made a lot of friendships during my sentence.

A lot of people here have always looked up to me, with my previous company helping their families with free medicines.

"Di man tayo magkita ng matagal-tagal, ngunit alam ko na ang ating samahan ay hinding-hindi ko makakalimutan.."

Nagpalakpakan silang lahat, sabay bigay sa akin ng mahigpit na mga yakap.

I can't wait to see the sunlight again..

*****

"Darius!" Sigaw ni Attorney Moore, niyakap ko lang siya at nakipagkamay. "Thank you so much for this Ate Anna..." Bulong ko, ngunit napatango lang siya at itinuro si Geisler na nakikipagusap sa mga pulis.

Nilingon lang ako ng aking kaibigan at napangiti. Lumapit ako sa kanya, ang dali-dali siyang niyakap.

"Welcome back Zen..."

I smiled.

"Grabe ang tagal na ah! but no matter! Ililibre kita sa bar ngayon! What do you say? Guys night out?" pagyaya niya, ngunit napailing lang ako at nagbuntong hininga.

"Listen Geisler...I'm sorry about Tina.." His expression changed, frowning.

"Ever since na tumakas si Señor Patricio...I'm still looking for her Zen..so hindi ko kailangan sumuko. Hindi ko siya susukuan." Paliwanag niya sabay bigay ng aking damit. "and Andre Salcedo? Dia and Charles took care of his rehabilitation. It's the least we could do for the damage that we caused." He added, in which I nod in approval.

It's a good thing that Charles decided to stay with Dia.

He made me trust him in a heartbeat. Knowing fully that my sister will be in good hands.

"Okay then...but I'm gonna need a minute.." Ani ko at saka umalis.

Pumasok ako ulit sa loob ng presinto at nilibot ang buong paligid.

I've looked everywhere, and noticed a man glaring at his cards.

"Tito." I firmly called him. My eyes were drilling holes in his soul, but thankfully I held myself back.

Masked Reality (#2 of Guilberra Series)✔Where stories live. Discover now