Darius
"Sir...our investments are getting higher!" She exclaimed in front of me.
Tumango lang ako sa kanya at di na umimik.
"Mr. Guilberra? may bisita po kayo..." Ani ng janitor sabay bukas sa pintuan. Niyakap ko ang aking nakababatang kapatid at ngumiti. "Diang! ba't ka andito? Tapos na ba ang mga documents mo sa ospital?" Mariin na tanong ko sa kanya. Ngumuso lang siya sa akin at umiling.
"Kuya! may dinner daw tayo mamaya, punta ka ah!...isasama ko kasi si Charles, sama mo na rin si Yaya Gin!" Masayang tugon ng aking nakababatang kapatid.
Nanlaki ang aking mga mata at umiling, "Um! no! I mean...busy ako at..next time nalang siguro...kung gusto mo, papuntahin ko nalang si Yaya Gin para may kasama sina Mama at Papa.." I whispered the last part. Napasimangot ang aking kapatid at nagbuntong hininga.
"Oh sige kuya..aalis na muna ako! paki sabi nalang ng Hi kay ate Tina!" Panunukso niya sabay kindat sa akin at umalis. Ngumiti lang ako at napaupo.
I won't meet Charles...
Never in a million years..
He knows my secret...
"Hi babe.." ani ng negosyante sa kanyang kasintahan. "Happy Valentines Baby ko..." Sagot ng kasintahan niya. Nakaupo ang mag-kasintahan sa isang cafe sa New york.
Habang naglalambingan ang dalawa ay napansin ng 3rd year college na si Charles ang kuya ng kanyang Pinupusuan.
Nagulat lamang ang binata ng naghalikan ang kuya ng kanyang pinupusuan sa isang lalaki.
"Hindi kayang...bakla ang kuya ni Dia?" Pailing-iling na tanong niya sa kanyang sarili. Tumayo siya at naglakad palabas. Nakita siya ng Kuya ni Dia at napansin ang kanyang identification card.
"Charles Michael Sarmiento?..." Ani ng negosyante. Tumayo siya at sinundan si Charles.
"Charles Michael?" Tawag niya. Lumingon sa kanya si Charles at nagulat.
"Kuya ni Dia? right?" Tanong sa kanya. Tumango lang siya at tinignan ng masama si Charles. "Wala kang nakita okay?..kapag nalaman ito ng kapatid ko, o ng sinuman sa pamilya ko ay hindi ka na makakauwi sa Pilipinas.." Pagbabanta niya kay Charles. Tumango lang ang binata at naglakad palayo.
A/N
Eyyy! Welcome to the Second boook! and Thank you for stayinggg!
YOU ARE READING
Masked Reality (#2 of Guilberra Series)✔
RomancePLS. READ THE 1ST BOOK BEFORE THIS! Darius Zenriel Guilberra. The Famous business man, a loving son and brother to his family. But what if he hides a secret behind his sleeve. And what if the famous business man has a heart of a woman? Is it too l...