Chapter 2

904 28 0
                                    

Gin

Napa-iling lang ako at ngumuso sa kanya. Why does he have to be so flirtatious when he even got a boyfriend? Sa totoo lang naguguluhan talaga ako sa kanya. Simula nung inutusan ako ni Tita Darlene para alagaan siya, parang okay lang kami, and now he's acting like a jerk, a gay jerk.

I don't know why but, I'm one of the few to know his identity, kahit na hindi masyado kami close or whatsoever.

"T-Tapos na ba po?" Nauutal na ani ko. Napangiwi lang ang bakla at umiling.

"Not yet." Aniya at nilagyan ng Lipgloss ang aking labi. Kumunot lang ang kanyang noo at tumango.

"Okay na gurl! Ready na..."

"Salamat po.. Sir.." Bulong ko at tumayo. Napangiti lang ako sa aking sarili. He made me look so beautiful for tonight.

"Oh diba? I told you that you were beautiful, o sige, you have to go na! may mga paperworks pa ako na gagawin mamaya, and thank you sa kare-kare!" Wika niya. Tumango na rin ako at lumabas sa kanyang condo.

Suot ko ngayon ang dress ng Mama ko and I'm thankful for the Guilberras because they gave my family everything that they need.

And as a thank you for them, I decided to be a maid.

Accountancy naman talaga ang pinag-aralan ko, but Tita Darlene told me that I should stay with them.

****

"Ah..Gin, so nice to see you!" Ani ni Tita Darlene at pinaupo ako sa isang chair. Kaharap ko naman si Charles habang katabi naman niya si Diana.

"So hindi pala talaga pupunta si Darius.." Nilingon ko lang si Charles na naka simangot.

Other that knowing Darius's identity, I also know that he hates Charles.

Dahil lang doon sa nangyari sa New York.

"Ate Gin, you look so amazing." Ani ni Dia. Napatitig lang ako sa kanyang singsing at ngumiti.

"Of course, kung dahil sa Ku-" Napatigil lang ako sa pagsasalita at umiling.

"Dahil sa?" Tanong niya.

Napalunok ako habang kumakabog ang aking puso.
Why do I have to be so reckless?!

"S-Sarili ko.." I said, wearing a forced smile to her. She just laughed at me and grinned.

"Ma, Pa, let's eat na po?" Ani ni Dia at sumandok ng kanin. Napahimas lang rin si Tita Darlene sa kanyang mukha at nagsimula naring kumain.

I looked at my surroundings. Mukhang wala naman rin nagbago sa kanila. They are still the humble family I know.

"So Charles..." Panimula ni Tito Joshua. Napatitig lang ko sa aking hapagkainan at nakinig sa kanila.

"Ano na ba ang plano sa kasal?" Panunukso ni Tito. Napangisi lang si Charles habang si Dia naman ay namula.

"W-We have no plans pa po, but we're currently thinking about it." Pangiting ani ni Charles at hinawakan ang kamay ni Diana.

I sighed. Sana lahat talaga sa kanila, eh ako kaya? kailan pa magkakalove life?

Baka nga eh magtatandang dalaga nalang ako.

****

Natapos ang aming dinner ng alas-dose ng madaling araw. And guess what? andito parin ako sa labas ng bahay nila.

Nahihiya na kasi akong pumasok, and I really need to go home right now. Baka mapagalitan pa ako ni Barbie- este Boss pala.

I hope not.


Masked Reality (#2 of Guilberra Series)✔Where stories live. Discover now