Darius
Habang tinatapos ko ang aking paperwork ay naisip kong tumawag sa condo. Kinuha ko ang aking cellphone at nag-dial sa landline namin sa condo. Maya-maya ay sumagot ang taong nasa kabilang linya.
"S-Sir! napatawag po kayo? may problema ba?" Ani ng tao na nasa kabilang linya. I just sighed and massaged my temples. Nakaka-istress kasi dito sa work kaya nagkaka headache ako paminsan.
"Pumunta ka sa bahay nina Mama at Papa mamaya. Magdidinner daw kayo kasama si Dia at yung Kasintahan niya." Diin ko sa huling salita. "Yes sir, pero hindi po ba kayo pupunta? family dinner po yun eh..tapos sasali pa ako.." Nagkibit-balikat lang ako sa kanyang sinabi at umiling.
"Gin. you are part of the family okay? hindi mo na kailangang mahiya..you lived under our roof for 10 years..so there's nothing to worry about." Paliwanag ko sa kanya. Tumawa lang siya at iniba ang usapan.
"Ipagluluto nalang kita ng pagkain, since hindi ka naman pupunta sa dinner. Anong gusto mong ulam?" Tanong niya. Ngumisi lang ako at hindi umimik.
"Sir? Sir Darius?"
"Ikaw..." bulong ko.
Bumalot ng katahimikan ang buong office. Tumawa lang ako at kinuha ang aking bag. "Char lang teh! gusto ko ng kare-kare. Pasarapin mo ah!" Ani ko At bumaba sa parking area.
"L-Luh! ang labo mo naman Sir! at huwag ka nga magsalita ng linggwahe ninyong mga bakla! b-baka may makarinig sayo jan!" Nauutal na pahayag niya. Tumango lang ako at sumakay sa aking kotse.
"Sigeh Ibababa ko muna yung tawag..dapat pag-dating ko jan ay hindi ka pa dapat aalis ah! ako nang bahala sa make-up mo!" Bulalas ko sa tuwa. umoo lang siya at binaba na ang tawag.
Oo..alam na ni Gin..
She knows me very well..
and I can't hide from her..
She's the only one..
aside from that Charles..Siya lang ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao.
***
Pumasok ako sa condo nang may dala-dalang ngiti.
Mas gumaan rin ang aking pakiramdam nang nakita ko ang buong paligid na malinis. She always surprises me.."Gin?" Tawag ko. Walang sumagot at mukhang tahimik rin ang paligid. Kumunot lang ang akin noo at tinanaw ang buong condo. "Virginia Lauren Almeda!" Bulalas ko ng galit. Biglang bumukas ang pintuan at nilingon ko kung sino ito.
"Sir! andito na pala po kayo! bumili lang kasi ako ng mga kolorete sa palengke..para sa dinner mamaya.." Ani niya. I look at the cellophane that she was holding. I gave it a look of disgust. She just look at me, scared. "Hayst! diba sinabi ko sayo na ako na ang bahala sa make-up mo?" Sermon ko. Tumango lang siya at inilapag sa lamesa ang mumurahing make-up. "Y-Yes sir..but ito lang kasi ang makakaya ng budget ko.."
Kinuha ko ang supot na may laman na make-up at tinapon ito sa basurahan. "I. don't. like. cheap. MAKE-UPS!" daing ko sa kanya. Di lang siya umimik at tila nanginginig sa takot. Napabuntong hininga lang ako at hinila siya papunta sa kwarto ko.
"I have make-up in here.." bulong ko. Binigyan niya ako ng nagtatakang mukha at umiling. "Pero hindi po kayo nag-mamake-up sir.." Sagot niya. Ngumisi lang ako at binuksan ang cabinet kong puno ng mga make-up. Napanganga lang siya sa mangha at napaupo sa aking kama.
"Yeah I know that I don't wear make-up, lahat ng iyan ay regalo ko dapat kay Diang..kaso para siyang bata kung maka hawak ng make-up..I'm not even sure kung babae ba yun o parang mangkukulam.." Biro ko. Pinalo lang ni Gin ang aking braso at pailing-iling na tumungo sa aking cabinet.
"U-Um so...gagamitin po natin y-yan? paano pag may virus ang mukha ko Sir?" Agad ko siyang nilingon at pinaupo sa vanity chair. "Don't say that Gin! maganda ka at yun ang nakikita ko. Kahit bakla ako ay naattract pa rin ako sa beauty mo! I'm sure that all the guys will drool when they see you.." Ani ko. Namula lang siya sa sinabi ko at dahan-dahan na tumango.
Kinuha ko agad ang pinaka-mamahaling make-up na binili ko. I started applying make-up to her face while she's obviously uncomfortable with me. Napatitig lang ako sa kanya at napatingin rin sa kanyang mukha ng iba't ibang angulo. "What's wrong Gin?" I asked. She just tightly closed her eyes, afraid of opening them. "S-Sir...-Este madam..masyado ata kayong malapit.." Ani niya habang nakapikit parin ang kanyang mga mata. When I realized I was getting closer to her face, I immediately stumbled back.
"Oh my gosh! I'm so sorry beh! wiz ko alam na malapit na ako tsk! nakakaloka!" I exclaimed and looked away. Napansin ko lang rin na iba ang kanyang ugali kapag kasama kami.
Well, she seems so casual around me when Mama, Papa, or Dia is around. Pero kung wala naman sila, parang nawawalan siya ng dila. She also dosen't call me by my name when it's just us. "Sa totoo lang, nahihiya ka ba sa akin?" I whispered while dabbing some of concealer to her face.
YOU ARE READING
Masked Reality (#2 of Guilberra Series)✔
RomancePLS. READ THE 1ST BOOK BEFORE THIS! Darius Zenriel Guilberra. The Famous business man, a loving son and brother to his family. But what if he hides a secret behind his sleeve. And what if the famous business man has a heart of a woman? Is it too l...