Prologue

51 8 12
                                    

***
This book is a work of fiction. Any references to historical events, real people, or real locales are used fictitiously. Other names, characters, places, and incidents are products of the author's imagination, and any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
Copyright © 2021 by th3huntress
All rights reserved, including the right of reproduction in whole or in part in any form.
***

'Sana bumalik na lang ako sa high school.'

Nagising ako sa tilaok ng manok ng kapit bahay. Oh gods, provinces.

Humikab ako habang kinukusot- kusot ang mata ko. Mukhang umaga na.

Naramdaman ko ang simoy ng hangin, marahil ay nakalimutan ko na namang sarahan ang bintana. Nasa ikalawang palapag kasi ang kwarto ko at maganda ang tanawin sa labas noon dahil sa harap ay may mga puno at bulaklak sa likod bahay. Nandoon din ang maliit na garden ni Papa kaya sariwa ang hangin na nanggagaling doon. Ito lang naman ang maganda sa probinsya.

Agad namang kumalam ang tiyan ko nang maamoy ang amoy ng bawang na priniprito sa mantika. Mukhang nagluluto na ng umagahan. Kahit kasi nasa ikalawang palapag ang kwarto ko, sa baba nito ay ang kitchen namin kaya amoy na amoy talaga kung ano man iyong niluluto sa baba.

Sana maraming bawang ang sinangag ni Papa. Sinisiguro niya kasi munang sunog at malutong ang mga iyon bago ilagay ang kanin sa mantika. Iyon ang gustong- gusto namin.

Narinig ko na naman ang tilaok ng manok. Bwisit, ayoko pang bumangon. Napagod ako sa kakalakad kahapon sa Capital para maghanap ng trabaho. Napakahirap naman maghanap ng trabaho sa probinsya. Bakit pa kasi ako umuwi?

Bumangon na ako pero ayaw pa din mumulat ng mga mata ko. Itinapak ko na sa sahig ang mga paa at tumayo na bago pa mapalitan ng boses ng Mama ko ang tilaok ng manok.

Ah!

Napahawak ako sa ulo ko. Nauntog ako at tuluyan nang nagising ang aking diwa. Iminulat ko ang isang mata para tiningnan kung ano ba iyong bwisit na 'yon?

Double- deck?

Napayuko na lang ako at minasahe ang ulo ko. Baka dito kami ni Yvan nakatulog sa study room sa unang palapag kagabi dahil pinabasa niya sa akin ang paper niya sa Soc Sci.

Matagal na ang double deck na ito sa amin. Ito kasing study room ay dati naming kwarto ni Ate Yvonne. Hindi na namin tinanggal ang double deck dahil ayos pa naman.

Ang daming nagbago sa bahay ng ma- renovate iyon. Ang study room namin ngayon ay dating kwarto ni Yvan at kwarto naming dalawa ni Ate Yvonne. Malaki ang space kaya kahit may double deck ay mayroon pang space para sa isang mahabang table na occupied ang isang side ng room. Nakapalibot din sa buong room ang sandamakmak na libro.

Naglakad na ako papunta sa pintuan at hinawakan ang doorknob pero kumunot ang noo ko nang makita ang poster na nakadikit sa likod ng pintuan.

Poster iyon ni Taylor Swift at ang bata pa ni Taylor Swift doon. May side bangs siya at kulot pa ang blonde niyang buhok. May hawak din siyang gitara. Ito 'yong mga panahon na country songs pa ang mga kanta niya.

Bakit nandito pa 'to? Tinapon ko na 'to, ah.

Muling sumimoy ang hangin kaya napatingin ako sa kaliwa ko. Bukas ang bintana kaya nililipad ng hangin ang puting kurtina na nadoon. Kahoy ang bintana?

Nakahanger din malapit sa bintana ang isang maroon na palda, white na blouse, at string na necktie na kulay maroon din.

"Yvy! Gising na! Mahuhuli na kayo sa eskuwelahan!"

Napatingin ulit ako sa pintuan dahil sa sigaw ni Mama. Anong eskuwelahan? Hindi naman ako nagma- masteral, graduate na din ako ng college.

Kinatok pa ni Mama ang pinto ng kwarto. "Bumangon ka na diyan, Yvy! Hindi ka dapat malate ngayon dahil unang araw ng pasukan. Huling taon mo pa naman na ito sa highschool."

Ano raw? Nananaginip ba ako? Bakit lagi na lang high school ang napapanaginipan ko? Bwisit. Kailan ba nila lulubayan ang mga panaginip ko?

Inilibot ko ang paningin sa kwarto.

Napatawa ako ng mahina.

Pati istilo ng kwarto ko noong high school pa ako ay kuhang- kuha ng panaginip ko.

Isang double- deck sa right corner ng room, sa paanan noon ay isang kahoy na aparador at pink na dorabox. Puti ang kurtina, puti ang pintura ng pader, puti ang double- deck, pati ang kumot at unan, maging ang tables na malapit sa pintuan. Mukha namang may mga sakit ang taong natutulog dito!

Lumapit ako sa table na nasa may bintana. Nandoon ang black na backpack na lacoste na nabibili sa tiangge. Iyong magaspang ang balat at maliit lang, hanggang notebooks lang ang kayang dalhin. Favorite ko 'tong bag na ito noong high school.

Nakapatong ang bag sa isang violet na file case. Kumikinang pa iyon dahil bagong- bago, wala pang mga sulat. Sinulatan ko kasi iyon dati ng mga favorite lyrics ko from Taylor Swift's songs gamit ang pentel pen.

Sa tabi noon ay may shoebox na may pangalan na MSE. Dati kasi kung gusto mo ng matibay na sapatos sa MSE, Avon o Natasha ka o- order at si Mama ang umu- utang noon sa mga suki niya sa palengke na agent ng Natasha. Pinapapili pa niya kami noon sa mga brochures.

Binuksan ko ang kahon at nakita ang isang black shoes na tela ang balat at kulay pink ang loob.

Sandali nga, bakit napaka- vivid naman ng panaginip na 'to? Napakagat ako sa labi ko at napailing.

Huminga ako ng malalim saka sinampal ang sarili ko para magising. Tumalon- talon pa ako pero nandoon pa din ako sa kwarto.

Umupo ako sa upuan. Naagaw ang atensiyon ko ng maliit na salamin na nakapatong sa table katabi ng bag at sapatos.

Kinuha ko iyon at itinaas. Nakita ko doon ang isang babaeng hanggang leeg ang straight at maitim nitong buhok. Makinis ang mukha at mapula ang maninipis nitong mga labi. Makapal ang kilay pero hindi maduming tingnan. Batang- bata.

Nagsalubong ang kilay ko at maging ang nasa salamin. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kung sino iyon.

What the- ako ba 'to?

Napatayo agad ako, mas inilapit pa ang salamin sa akin para sipatin ng maigi ang aking mukha. Hinawakan ko ang aking buhok, tinaas taas ang mga hibla noon, hindi pa rin makapaniwa. Pero totoo nga, ako nga ito!

Isang beses lang ako nagpagupit ng ganito kaiksing buhok, 4th year high school at dahil iyon sa lalaking hindi nawawala sa panaginip ko.

Anong nangyayari?!

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon