[9] Swiftie

14 4 0
                                    

'If this is a dream just let me sleep.'

Pagkauwi ko ay halos mabagsak ko ang hawak kong file case dahil agad na sumalubong sa akin si Lola na nasa labas ng bahay at nakaupo sa upuan sa ilalim ng punong mangga. Masaya siyang nakatingin sa mga bulaklak sa harapan.

"La," naiiyak na tawag ko sa kanya saka tumakbo papalapit para mayakap siya.

Hindi ko na din napigilan ang sarili ko sa pag- iyak dahil sobra ko siyang namiss. Pumanaw siya ng nasa Manila ako. Second year college ako noon at hindi ako nakauwi dahil finals week namin. Pagkatapos na pagkatapos ng week na iyon ay umuwi ako kahit tapos na ang libing ni Lola. Sobra akong nakonsensya sa ginawa ko.

"Anong nangyayari sa 'yo, apo? May masakit ba sa 'yo? May umaway ba sa 'yo? Bakit ka umiiyak?" sunod- sunod niyang tanong habang hinahaplos ang likod ko.

Umiling ako. "Namiss lang kita, La." Saka mabilis na pinunasan ang luha sa pisngi ko. Pagkatapos ay umalis na din ako sa pagkakayap dahil baka maweirduhan na siya sa akin.

Tiningnan ko saglit ang mukha ng lola ko. Wala kasi akong litrato niya pero kung anong nasa isip ko na hitsura niya ay iyon ang nakikita ko ngayon sa harap ko.

Puti na ang mga buhok niya sa ulo at kapansin- pansin ang malaking taling niya sa pisngi. Suot niya ang paborito niyang ternong pulang floral long skirt at floral blouse na parehas cotton. Mahilig siya sa mga cotton na damit dahil presko daw iyon sa kanya. Hindi naman masyadong halata na mahilig din sa gardening ang Lola ko. Siya ang nanay ng Papa ko.

Inalalayan ko si Lola pagpasok ng bahay. Nakita ko naman agad si Yvan na nasa table at kumakain ng meryenda.

Umupo kami ni Lola sa sofa. Nakapatong sa binti ko ang kamay niya na hawak ko at nakatingin lang ako sa kanya habang nanonood siya ng TV.

"Bakit ganyan ka makatingin sa akin, ha? Hihingi ka na naman ng limang piso, ano?" tanong niya kaya napatawa ako.

Umiling ako. "Hindi, La. Namiss ko lang, kayo," saka isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Kumunot ang noo ko nang makita ang TV namin. Wala na ang flat screen TV! Ang nandoon ay isang black na TV na sing laki lang ng computer desktop ang screen at madaming pindutan sa baba. Kamukha na siya ng de- unang kyomputer. Colored naman siya pero malabo. Saglit pa lang akong nanonood pero sumakit na kaagad ang mata ko.

Nakita ko si Papa na lumapit sa amin. "Oh, anong nangyari diyan?" sabi niya sabay turo sa akin.

"Hindi ko nga din alam sa anak mong 'to. Namiss daw ako, eh kahapon lang ay magkasama kami bago siya umalis sa bukid," sagot ni Lola na tumawa pa.

"Magpalit ka muna doon, Yvy. Darating na ang Mama mo, mapapagalitan ka na naman," sabi ni Papa kaya tumayo na ako.

Humalik muna ako sa pisngi ng Lola ko bago ako pumasok ng kwarto namin ni Ate Yvonne.

Pagkabukas ko ng pinto ay gano'n pa din ang itsura niya nang umalis ako kaninang umaga. Mukhang hindi pa nakakauwi si Ate Yvonne. Natatandaan ko na mga 7 pm na nga pala siya umuuwi.

Ibinaba ko ang bag at file case ko sa study table saka nagpalit na ng pang- bahay na damit. Agad naman akong lumabas ng kwarto pagkatapos para makasama ulit ang lola ko.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa 2011 o babalik pa ba ako o tuloy- tuloy na 'to. Hindi ko na 'yon iisipin, dito na lang ako kung saan kumpleto pa ang pamilya namin.

Nang dumating si Ate Yvonne ay sabay sabay kaming kumain. Halos walang pinagkaiba sa hitsura ni Ate Yvonne. Suot niya pa din ang malaki niyang glasses at mahaba pa din ang itim niyang buhok.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon