'We were too young to take love seriously but too old to just like each other.'
Bakit ganoon?
Napapansin ko lang, ah. Bakit sa mga ganitong lugar ako bumabalik? May galit sa akin, ha? Noong una sa harapan ng madaming tao tapos ngayon....
Mukhang tapos naman na ako dahil nakahawak na ang kamay ko sa lock ng pinto ng cubicle. Oo, nasa restroom ako dahil nasa likod ko ang inodoro, hindi ko nga lang alam kung anong ginawa doon ng batang si Yvy. Mabango naman ang paligid.
Hinila ko na ang lock ng pinto para makalabas na. Pagkasara ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko sa harapan, sa bubog ng salamin na nandoon.
Napaawang ang labi ko nang makita ang sarili na nakasuot ng one shoulder sky blue dress na above the knee ang haba. Silk ang tela dahil kumikinang ang parte na natatamaan ng ilaw sa kisame. Fitted sa didib hanggang tiyan at medyo balloon ang skirt.
Nakapulupot din ang perlas sa katawan ko. Pearl earrings, necklace, at bracelet. Mukhang makakakuha ako ng award ngayong gabi, Ms. Perlas ng Silanganan. Mahihiya ang Palawan sa dami kong perlas.
May design na white and dark blue beads sa lower part ng skirt. May nakatali ding dark blue belt na tela sa baywang ko at naka- ribbon sa likuran.
Mukhang favorite ko ang wedgie dahil iyon na naman ang suot kong heels. White ang kulay ng makakapal na criss-cross straps noon.
Kung anong ikinabongga ng ayos ng katawan ko ay siya namang ikinasimple ng buhok ko. Wala iyong palamuti. Pero maayos tingnan at hindi sabog- sabog. Lagpas balikat na din ang dating hanggang leeg lang na maitim kong buhok.
February na?
Tanda ko pa 'tong damit na ito dahil ito ang isinuot ko noong Junior-Senior Promenade Ball o mas kilala bilang JS Prom noong high school.
Biglang bumukas ang pinto ng restroom dahil may pumasok mula sa labas.
At doon ko napagtanto kung bakit iyong moment na iyon ang binalikan ko.
Mukhang masusubukan na naman ang skills ko sa debate, ang pagiging sarkastiko at bastos.
Pagkakita sa akin ng Mama ni Kael na si Tita Dana ay tinaasan niya agad ako ng kilay. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa saka umaktong parang hindi niya ako nakita. Lumapit siya sa lababo at binuksan ang gripo saka naghugas ng mga kamay.
Nakasuot din siya ng black dress na hindi ko alam kung bakit kumikinang, may shimmer effect ang dress ng lola niyo. Makaagaw pansin din ang mga naglalakihang bato sa mga alahas na suot niya.
Pero bakit siya nandito?
Supportive nga pala ang parents ni Kael o baka dahil guest sila? Hindi ko na maalala.
Naghugas na lang din ako ng kamay at umaktong parang solo ko ang lugar na iyon.
"Ano bang pinakain mo sa anak ko at hindi ka niya malayu- layuan?" biglang tanong ng Mommy ni Kael.
Napalingon ako sa kanya pero wala ang paningin niya sa akin kung hindi nasa harapan lang niya. Tinitingnan niya pala ako sa salamin.
"Bakit po ba sobrang galit niyo sa akin Tita Dana?" kunot- noo kong tanong sa kanya habang tinutuyo ang mga kamay gamit ang tissue roll na nasa pagitan namin. Kulang na lang ay kumamot ako sa ulo ko at magpapadyak na parang bata sa inis dahil hindi ko alam kung bakit kumukulo parati ang dugo niya tuwing nakikita ako.
Hindi niya din ako pinapansin tuwing nakikita ko siya noong high school kapag may meeting ang mga parents. Maging si Mama hindi niya ina- acknowledge sa parents meeting.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...