[24] Reality

10 3 0
                                    

'You don't go back to the past to make everything right. You act in the present.'

Agad akong napabangon nang makita ang puting kisame pagkabukas ng mga aking mga mata.

Wala na ang double deck!

Nakabalik na ako? Panaginip lang ba iyong lahat?....Sabi ko na, eh.

Mabilis na bumagsak ang luha sa mga mata ko kaya tinabunan ko ang aking mukha ng isa kong braso at doon humagulgol na parang bata na inaway ng kalaro niya.

Isang bangungot lang iyon, Yvy. Okay na ang lahat. Huwag ka na malungkot.

Pero bakit parang may kirot akong nararamdaman sa puso ko? Bakit parang may parte doon na namimiss ang kaartehan ni Tori, kasigaan ni Francine, ang malakas na boses ni Veron, ang mga kalokohan ng mga kaklase ko......si Kael?

Niyakap ko ang mga binti ko at doon umiyak saglit. Nandito pa naman sila. Ito ang mundo ko at hindi pa naman ito ang katapusan noon.

May oras pa ako, marami dahil napakabata ko pa, to experience life, to love, to get to know more about myself and the things that I really want to do.

Sobra akong obsessed sa past na hindi ko na nakikita ang endless possibilities and opportunities na maibibigay sa akin ng future.

Life is an adventure and it would be a waste to just stop halfway. Let's see what lies at the end. Life is full of surprises and I love surprises so I'll keep going.

Inilibot ko ang paningin sa kwarto at nakita ang peach colored na wall, ang laptop sa study table at ang malaking espasyo sa buong kwarto. Nakabalik na nga talaga ako.

Si Yvan!

Agad akong napaalis sa kama at naglakad papuntang pinto ng kwarto. Nanginginig ang mga kamay na pinihit ko ang malamig na bakal ng doorknob at lumabas.

"Yvan!" malakas na pagtawag ko.

Pumunta ako sa kwarto niya pero wala siya roon. Binuksan ko ang kwarto ni Ate pero wala rin siya roon, maging sila Mama at Papa. Mabilis na kumabog ang dibdib ko. Panaginip na naman ba ito? Hindi pa ba ako nakakabalik?

Bumaba ako ng hagdan at agad nanubig ang mga mata ko nang marinig ang tawanan nila Mama sa hapag kainan. Hindi man lang talaga ako ginising, kumain sila ng umagahan na wala ako.

"Oh, buti gising ka na," bungad sa akin ni Mama pagkaupo ko sa bangko. "Ilang beses kong kinatok ang pinto mo pero mukhang pagod na pagod ka kaya hinayaan ka na lang namin."

Katabi ko si Yvan at nasa harap namin si Ate Yvonne. Sila Mama at Papa naman ay nasa magkabilang dulo ng lamesa. May kanin, tocino, hotdog, scrumbled egg, at pandesal sa hapag kainan pero hindi ako makaramdam ng gutom. Mas nangingibabaw sa akin ang magkahalong lungkot at kaba.

Masiglang kumakain si Yvan sa tabi ko. Napayakap na lang ako sa kanya dahil okay siya. Walang bakas ng pagkaka- aksidente sa katawan at hitsura kaya panaginip lang talaga ang lahat. Salamat naman.

"Ano ba iyan, Ate Yvy. Ni hindi ka pa nga ata naghihilamos, eh," reklamo niya habang pilit na nilalayo ako sa kanya.

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap. "Ang sama ng panaginip ko," malungkot na sabi ko sa kanya.

"Eh, bakit ako ang niyayakap mo dapat si Mama," reklamo niya ulit.

Bumalik na din ang ugali niya.

Umalis na ako sa pagkakayakap at bumalik sa pagkakaupo.

"Wala ka kasing ginawa kung hindi ang mag- cellphone, umaga, hapon, gabi. Kaya ka binabangungot," mataray na sabi naman ni Mama.

Nagbalik na din ang dragona kong Mama....pero hindi na ako maba- badtrip sa kanya. Sa sama ng panaginip ko kahit pagtataray niya sa akin ay ipinagpapasalamat ko.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon