[6] Onxet

15 4 0
                                    

'Panibagong taon, panibagong buhay! So you better start this year right, so you end it right!'

Nag- speech muna si Mam Luzy na principal namin sa maliit na stage sa harapan. Ang lakas ng boses niya kaya siguro hindi na siya gumamit pa ng microphone.

Sumisikat na din ang araw sa harapan namin. Naalala kong sinasadya niya talagang habaan ang mga morning speeches niya para makakuha man lang daw kami ng Vitamin D from the sun.

Pagkatapos ng speech niya ay biglang may mga students na umalis ng pila at pumunta sa harapan. Nakita ko din si John na pumunta ng stage. Nakilala ko siya kaagad dahil hindi naman nagbago ang hitsura niya, hindi din siya tumangkad.

Akala ko nga magiging politiko siya dahil malakas ang karisma niya. Nagkita kami once sa Manila dahil muntik ko nang matapunan ng coffee ang white long sleeves polo niya.

Marketing officer na daw siya sa isang private company at hindi ko inaasahan ang biglaang pagbabago sa awra niya. Parang may mabigat siyang dala- dala at ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya. I wonder what happened.

Siya nga pala ang President ng Student Council, baka may announcement. May tatlo pang umakyat ng stage at nakilala ko naman ang isa, si Kath Dela Cruz ang Vice President ni John, na ex niya sa 2021. Sila ngayon dahil sa ganda ng pagkakangiti sa kanya ni John.

Umurong ang mga nasa unahan ng pila kaya natapakan ako ng nasa unahan ko.

"Ay, sorry, Yvy," sabi niya.

Agad naman akong umatras pero hindi ko magawang lumingon sa likod ko dahil baka makita ko si Kael. Hindi pa ako handa. Hindi ko pa naaalala lahat ng nangyari noong 2011 kaya hindi ko pa alam kung paano ko siya i- aaproach.

"Okay lang," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Excited kasi masyado itong si Mae. Gagalingan daw niya para siya ang mag- lead sa unahan," sabay tawa ng nasa unahan ni Mae.

"Hoy, hindi, ah. Ikaw kaya," sagot naman niya.

Umurong lang ako ng umurong hanggang sa magkaroon na ng malaking space sa pagitan namin.

Biglang may nag- play na tugtog at napasapo sa noo nang ma- realize kung anong nangyayari. Sumasayaw nga pala kami sa school every morning as our exercise and worse, Waka Waka by Shakira ang tugtog. Grabe, paano ko seseryosohin 'to?

Sila John ang nasa harapan namin pero nakatalikod sila sa amin para magaya namin ang galaw nila.

Wala naman akong magagawa kaya sumayaw na din ako kahit natatawa ako sa sarili ko. Pero kina- career ko 'to dati dahil mahilig din akong sumayaw noon at sumasali ako sa mga dance number dito sa school.

Pawisan na ako ng matapos ang tugtog kaya inilabas ko ang panyo ko. Habang pinupunasan ang leeg at mukha ko ay naglakad na pauna ang pila ng mga lalaki sa section namin.

Mabilis silang nakabalik sa dati nilang pwesto dahil kakaunti lang sila. Nagkatinginan tuloy kami ni Kael na ngayon ay kapantay ko na sa pila.

Agad naman akong nag- iwas ng tingin at saka naglakad na paunahan para senyasan ang mga nasa unahan ko na bumalik na sa dating pwesto.

Napakagat ako sa labi ko saka ibinalik ang panyo sa bulsa. Hindi ko na maalis doon ang aking kamay dahil iyon lang ang makakapitan ko.

"Tara muna sa canteen, Yvy. Nagugutom ako," saka hinila ni Kath ang braso ko papunta ng canteen. Kakatapos lang ng flag ceremony at paakyat na kami sa classroom namin.

Aww. Namiss ko 'tong canteen namin at ang mga kakanin na tinitinda ni Aling Solome dito tuwing hapon. Ang dami ko ding memories sa canteen na 'to, but no worries. Gagawa pa tayo ng mas maraming memories mula ngayon.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon