🎶 I've never gone with the wind
Just let if flow
Let it take me where it wants to go 🎶"Welcome to Maruin National High School 2011 Induction Ball!"
Kumunot ang noo ko at napatingin sa paligid. Nasa covered court ako. May stage sa unahan pero nakaharap ako sa dance floor at may mga estudyante din na nakaupo sa harap ko, sa kabilang side ng court.
Although malakas ang tugtog ng speakers hindi siya masakit sa tainga dahil sa calming na boses ni Taylor Swift. Madilim na din dahil gabi na at tanging ang ilaw na lang sa dance floor ang nagbibigay liwanag sa paligid. Dagdag mo pa ang disco ball sa gitna noon.
Napatingin ako sa katabi ko at nandoon si Kath. Naka- white blouse siya at pencil cut navy blue skirt na above the knee ang haba. Naka- pony tail siya at may headband sa ulo niya na may maliliit na diamonds na kumikinang tuwing natatamaan ng ilaw.
Napatingin ako sa suot ko beige sleeveless dress, fitted sa taas pero maluwag ang pleated skirt niyon at hanggang tuhod. Ibinaba ko ang tingin sa suot kong sapatos. Black na wedgie na may crisscross straps, siguro 2 inches ang taas.
Tumingin ako sa mga kasama ko sa puwesto namin at nakita ang mga classmates ko at kagaya namin ay ayos na ayos din sila. Casual dresses pero formal ang datingan.
Wait lang, Induction Ball na kaagad? Ito iyong party para i- welcome ang mga freshmen at para na din sa Oath Taking ng mga classroom officers. Ganoon ba kami naging busy at hindi ko na napansin na Induction Ball na pala? Ang bilis naman ng oras.
Napayuko ako at napailing.
May biglang lumapit sa akin dahil may nakita akong pair ng black leather shoes sa sahig kaya naitaas ko ang paningin para makita kung sino iyon.
Si Kael.
Inilahad niya sa akin ang kamay niya. Inaaya niya ba akong sumayaw? Tinitigan ko lang siya.
"Baka lang....gusto mong sumayaw? Di ba favorite mo si Taylor?" tanong niya saka kinagat ang pang- ibabang labi.
Napangiti ako dahil ang cute niya. Naalala ko tinanggihan ko nga pala lahat ng pag- aayaya niya sa akin dati para sumayaw. Pero kapag si Lowe tinatanggap ko.
Okay, time to start my mission.
Ngumiti ako sa kanya saka kinuha ang kamay niya at tumayo.
Biglang umihip ang hangin at ramdam ko ang lamig noon sa mga balikat ko dahil sleeveless ang suot ko.
Narinig ko din ang kantiyawan ng mga kaklase namin kaya mabilis akong naglakad at hinila si Kael malayo sa kanila. Sa gitna kami pumuwesto.
Inilagay ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat niya at inilagay naman niya ang mga kamay niya sa magkabilang baywang ko. Mabuti na lang at medyo may takong ang suot kong sandals dahil matangkad si Kael.
🎶You lift my feet off the ground
You spin around
You make me crazier 🎶Mas lalo siyang pumuti sa dilaw na short sleeves button down polo shirt na suot niya, favorite color niya nga pala ang yellow. Nakapants siya ng black kaya mas lalong tumingkad ang suot niya pero bumagay pa din. Gustong- gusto ko kapag nakasuot siya ng yellow shirts dahil maputi nga siya at bagay sa kanya ang kulay na 'yon.
"Bakit hindi ka makatingin sa akin?" natatawang sabi ko sa kanya kasi panay ang lingon niya sa magkabilang gilid kaya nakikita ko ang taling niya sa may leeg.
Tumingin siya sa akin, ako tuloy ang nailang. Walang pinagbago sa mukha niya mas mataba nga lang at nagkalaman siya ng konti ng mag- 25 years old siya.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...