'Financial support from parents should be balanced with emotional support also coming from them.'
Francine K. Diaz
Sabi nila masuwerte daw kami ng kapatid kong si Francis, na kakambal at kaklase ko din pero mas matanda ako sa kanya ng 15 minutes, dahil pag- aaral na lang ang pino- problema namin.
Suportado nga kami ng mga magulang namin at naibibigay nila ang lahat ng kailangan namin sa school pero bakit pakiramdam namin kulang pa rin?
Nasa abroad ang mga magulang namin, OFW sila sa Canada kaya ang aming Lolo Rafael at Lola Pancita ang kumupkop sa aming dalawa ni Francis.
Sa bahay na sinasabi nilang mansyon kami nakatira kasama sila Lola, Lolo at ang Tita namin na dalaga pa din sa edad niyang 45.
Kumpleto ang mga gamit namin sa school ni Francis at kung anong mayroon ako mayroon din siya sa paborito niyang kulay, pula.
Tig- isa kami ng laptop, kahit masira ang sapatos ay may pangpalit kaagad, hindi kailangang labhan kaagad ang uniform dahil may isusuot pa kami kahit hanggang biyernes pa, sobra ang mga notebook, laging puno ang pencil case, may mga textbooks pa kaming binibili sa bookstore sa Maynila, laging computerized ang projects, at lahat ng extracurricular activities sa school ay pwede naming salihan kahit na kami pa ang magbayad ng gastos sa lahat.
Wala ka ng mahihiling pa bilang isang estudyante pero bilang anak nila marami.
Wala sila noong mga panahong kailangan ng parents tuwing Card Giving Day, tuwing recognition at may honor kaming dalawa ni Francis, tuwing nananalo kami sa sports, badminton kay Francis at volleyball naman sa akin.
Wala sila noong kailangan namin ng parents sa graduation ng elementary kami, ng kailanganin ni Francis ng parents dahil may nasuntok siyang estudyante sa kabilang section.
Matanda na ang mga lolo at lola namin at nag- aalaga naman sa kanila si Tita Gwen, kaya kaming dalawa na lang talaga ni Francis ang nagtutulungan.
Minsan si Tita V na ang umaaktong parent namin at pumipirma sa attendance tuwing may meeting ang mga magulang ng section namin. Binibigyan niya din kami ng libreng fries tuwing umo- order kami sa snack corner nila. Si Tita V ang nanay ng buong section namin, eh.
"Francine!"
Agad akong napahawak sa ulo ko nang may tumamang bola roon.
Putek!
Kahit na malambot iyon ay naalog pa din ang utak ko. Biglang nakalimutan ko kung sino ako for 5 seconds. Sana hindi nawala ang ni- review ko sa Advance Chem kung hindi ipapa- expel ko kung sino man iyong tangang may hawak ng bola na iyon. Hindi niya ba nakita na may tao dito at nagmumuni- muni tungkol sa buhay niya?
Kinapa ko ang ilong ko dahil may mainit akong naramdaman doon.
Lumaki ang mga mata ko nang makita ang pulang dugo sa kamay ko. Nanghina ang mga tuhod ko at para akong mahihimatay.
May humawak sa kamay ko na may dugo at nakita si Emily, na kaklase ko.
Gusto ko sanang magsalita at magsumbong sa kanya kaso walang lumalabas sa bibig ko.
Inilabas niya ang panyo niya at inilapit iyon sa ilong ko.
Agad ko naman iyong inagaw sa kanya at pinunasan muna ang kamay ko saka idiniin iyon sa ilong ko. Tumingala ako dahil baka maubos ang dugo ko at lumabas lahat iyon sa ilong ko.
"Ikaw ba 'yong bumato, ha? Lagot ka sa akin pag naubos ang dugo ko!" sigaw ko kay Emily.
"Baliw! Halika na nga, dadalhin kita sa clinic," saka niya ako inalalayan papunta sa clinic na tapat lang ng ground na pinagpa- praktisan namin ng volleyball dahil malapit na ang school intrams.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...