[13] Exams

11 2 0
                                    

'You gotta seize all opportunities presented to you.'

Nasa Computer Laboratory naman ako ngayon at nakaupo ako sa middle crowd. Mukhang may event.

Tumingin ako sa tabi ko at nakita sila Tori, Shaina, Francine, Tammy, Psalm, Emily, at Veronica sa row na inuupuan ko.

Nakilala ko naman sila Vida, Azia, Thaly at Mae na nakatalikod sa amin dahil nasa harapan ng row namin sila nakaupo.

Tumingin ako sa likuran ko at nakita si Kael na agad namang ngumiti sa akin.

Napakagat ako sa labi ko at agad na nag- iwas ng tingin dahil bigla kong naalala ang nangyari kahapon. Ramdam ko ang pag- iinit ng pisngi ko at dahil sa liwanag ng buong room ay paniguradong makikita niya ang pamumula niyon.

Katabi niya sila Jerome, Francis, Lowe, at Ian. Hindi ko makilala kung sino ang mga nasa harapan namin pero mga IV- Mercury sila at nasa likuran naman namin ang iba pang mga 4th years.

Madaming mga computers ang nakapalibot sa amin. Iyong white na computer na makaluma at kahawig ng TV namin sa bahay na makaluma din. Ito lang kasing computer lab ang may pinakamalaking closed space sa buong school kaya madalas dito ginagawa ang mga forums, conferences, quiz bees at iba pa.

May space sa harapan na walang bangko na siyang nagsisilbing stage. May projector din naka- flash sa dalawang malaking white board sa unahan.

Emcee pala si John at si Kath dahil nasa harapan sila at nakatayo sa podium sa left side.

May dalawang mahabang tables sa magkabilang gilid ng stage kung nasaan ang mga bisita dahil hindi pamilyar sa akin ang mga mukha nila maging ang mga kulay ng suot nila, maroon, green, red, yellow, at blue polo shirts.

Nakaflash sa white screen ang pangalan ng event.

"Welcome to 4th Years' Career Orientation.' Tapos sa baba noon ay nakasulat, (UP, UE, UST, PUP, MC)

Napayuko ako at napailing. Something is off. Definitely.

"Anong date na ngayon, Shai?" tanong ko sa katabi ko.

Wala sa harapan ang tingin niya kung hindi nasa papel sa arm rest niya. Nakapangalumbaba siya at abala ang kanang kamay sa pagdo- drawing.

Kahit lapis lang ang gamit niya ay nakapag- create pa rin siya ng iba't- ibang shades out of it. Nagmukha tuloy charcoal painting ang drawing niya. Drawing iyon ng isang batang na kita ang lahat ng ngipin dahil sa abot tainga na ngiti nito.

Sayang. She didn't pursue arts dahil naging elementary teacher siya. I wonder what happened.

Tumigil siya saglit sa ginagawa saka tumingin sa kisame na para bang may kalendaryo doon na makapagsasabi sa kanya kung anong araw na ngayon. Napatingin din tuloy ako doon pero wala naman akong nakita.

"September 10, bakit?" sagot niya pagkatapos sandaling tumitig sa kisame saka ibinalik ang tingin sa akin.

Kumunot ang noo ko.

"Kailan nga ulit tayo nag- field trip?" tanong ko.

Napakamot siya sa ulo niya. "Ang tagal na noon, hindi ko na matandaan, pero July 'yon," sagot niya saka bumalik na din sa pagdo- drawing.

Mabilis na kumabog ang dibdib ko pero hindi na ito kagaya ng kanina nang makita ko si Kael.

Napatingin ako sa harapan. Bumubuka ang mga bibig nila John at Kath pero hindi ko naririnig ang mga sinasabi nila.

May hawak silang dalawa na mic at tumitingin sa isa't- isa. Kita ko ang mga ngiti sa mukha nila pero wala akong ibang naririnig maliban sa mabilis na kabog ng dibdib ko.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon