[17] Undax

7 2 0
                                    

'We were Romeo and Juliet. A star crossed lover. Against all odds.'

Nagising na lang ako na Undas na pala, November 1.

Hindi ko ito dapat palagpasin dahil ang tagal ko ng hindi nabibisita sila Lolo at Lola sa Mother's side ko na patay na. Pati na rin si Tita Imelda na kapatid ng Papa ko.

Pero mamaya pa daw kaming hapon, mga 4, pupunta sa sementeryo dahil medyo mainit ang panahon at madami pang tao kapag umaga. Malapit lang naman iyon, nilalakad lang.

Kailangan ko ding makausap si Nurse Becca ng masinsinan kaya iyon ang gagawin ko ngayon. Marami akong gustong i- confirm at siya lang ang kilala ko na makakatulong at makakaintindi sa kabaliwan na 'to.

Hiningi ko ang number ni Nurse Becca kay Kath at tinawagan siya. Mabuti na lang at pumayag siyang makipagkita sa akin sa park kung saan nagsimula ang lahat ng 'to.

Wala namang ipinagbago sa park maliban sa mga pam- paskong dekorasyon katulad ng estatwa ni Santa Claus at mga reindeers niya sa entrance, mga plastik na bulaklak ng poinsettia sa mga halaman at mga christmas garland sa mga ilaw ng poste. Mas ramdam ko pa ang Pasko kaysa Undas, eh.

Hinanap agad ng paningin ko ang sementong upuan kung saan kami unang nagkita ni Nurse Becca.

May seasaw pala dati sa harapan ng upuan na iyon, kaya pala open space iyon sa 2021. May mga batang naghahabulan doon at may mga batang nakasakay sa seasaw. Puno ng tawanan nila ang paligid.

Pinanood ko sila habang nag- aantay sa pagdating ni Nurse Becca. Iba talaga ang epekto ng mga bata mapapangiti ka na lang ng hindi mo nalalaman.

Maya- maya pa ay may asong lumapit sa akin at tumahol ng tumahol sa paanan ko.

Yumuko ako para abutin siya. Hindi naman ako takot sa aso at kung kakagatin niya ako ay siguro kanina pa. Ipinatong ko ang kamay ko sa ulo niya. Puti ang kulay ng malago niyang balahibo at asul ang kulay ng kanyang mga mata.

Teka, si Sky 'to, ah.

Mas lalo akong napangiti nang makilala siya. Kinuha ko ang aso at kinarga iyon saka tumingin sa paligid para hanapin si Nurse Becca.

"Boo!"

Halos malaglag ang puso ko sa biglaan na naman niyang pag- sulpot. Talagang sa likuran ko pa siya dumaan. Pinaninindigan niya talaga ang pagiging creepy, ah. Inirapan ko lang siya.

Umupo siya sa tabi ko at kinuha si Sky sa akin.

Mukhang sa ospital siya nagdu- duty ngayong sembreak dahil nakasuot siya ng asul na scrub suit at naka- surgical mask siya. Nakasuot din siya ng white crocs sa paa.

Mas bagay sa kanya ang scrub suit kaysa sa polo shirts at maong pants na usually niyang sinusuot kapag nasa school siya.

"Fire away," sabi niya. "Hindi ba may itatanong ka?"

Itinataas- taas niya pa si Sky na parang baby at pinanggigilan iyon.

Akala ko ba allergic siya sa fur?

"Panaginip po ba 'to?" tanong ko agad, walang patumpik- tumpik.

Ibinaba niya si Sky at inihiga sa lap niya.

Hindi niya ako nililingon at nasa harapan lang ang tingin niya, sa playground.

"Hmm.." inilagay niya ang hintuturo sa may lower lip niya at nag- isip ng isasagot. Nagkibit- balikat siya. "Hindi ko din alam, eh."

Nagsalubong ang kilay ko, hindi makapaniwala sa sagot niya. Saglit ko siyang tinitigan, nag- aantay ng pagtawa niya pero seryoso ang kanyang mukha at walang bahid ng pagbibiro sa hitsura niya.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon