'There is someone who listens. Even grant your desperate call.'
Sa mga oras na ito ay gusto ko na lang na maging panaginip ang lahat. Magpapa- admit na lang ako sa mental hospital at tatanggapin na may sakit talaga ako sa utak, na ginagawa ko lang ito as a coping mechanism para makatakas sa pangit na reyalidad ko. Gusto ko ng magising mula sa bangungot na ito. Marahil ay isa lang ito sa maraming panaginip ko about my high school days.
Bakit kasi ang hirap para sa mga tao ang makontento sa kung anong mayroon sila? Bakit ko ba kasi pinipilit na baguhin ang nakaraan ko? Bakit kasi hindi ako maka- move on sa past ko? Instead of wasting my time obsessing about what has already happened I should have just invested those time to act in the present and make my future worth living.
Pero paano ang magandang present na nagawa ko na? Ang tanong nabago ko nga ba iyon? Paano ang Accountancy?
......Paano si Kael?Iniumpog ko ang ulo ko sa pader, hindi makapaniwala sa tanong na bigla na lang pumasok sa utak ko. At si Kael pa talaga ang iniisip mo Yvette? Mas pipiliin mo pa talaga si Kael kaysa sa kapatid mo? Hindi ko alam na ganyan ka pala mabaliw sa pag- ibig. Siguro kaya hindi ka pa binibigyan ng love life dahil kahit ano ay isasakripisyo mo pala para lang sa pagmamahal maging ang sarili mong pamilya.
"Umupo ka nga, Yvette," naiiyak na suway sa akin ni Ate Yvonne. "Walang magagawa ang pag- umpog mo diyan."
Nakaupo silang tatlo nila Mama sa waiting area sa labas ng operating room ng ospital. Nakaakbay si Papa kay Mama at hinahagod ang likod nito. Nakahawak din si Mama sa dibdib niya dahil medyo nahihirapan siyang huminga. Si Ate Yvonne naman ay may hawak na watter bottle na para kay Mama.
Paano ba kami napunta sa sitwasyong ito? Kanina lang ay magkakasama sila, ah? Nasa loob sila...paanong masasagasaan si Yvan?
Umupo ako sa tabi ni Ate Yvonne. "Ate," tawag ko sa kanya at nilingon naman niya ako. "Paanong napunta si Yvan sa labas? Di ba magkakasama kayo nila Mama?" tanong ko sa kanya.
Pinahiran niya muna ang luha sa mukha niya gamit ang kamay bago ako sinagot. "Naiwan kasi ni Hale ang ballpen niya kaya sinundan agad siya ni Yvan bago pa ito makalayo tapos........tapos narinig na lang namin ang sigawan ng mga tao sa labas," naiiyak na kwento ni Ate Yvonne.
Gusto ko na sana siyang patigilin dahil parang hindi niya kaya na muling isabuhay ang nakaka- traumang nangyari kani- kanina lang. Nang makita ang kalagayan ni Yvan ay hindi na namin nagawa pang magtanong kung anong nangyari dahil isa lang ang nasa utak naming lahat, ang kaligtasan ng kapatid ko.
Pero hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang buong nangyari dahil may masama akong pakiramdam dito. Parang lubusan ko ng naintindihan ang sinabi ni Emily. Hindi ko nga lang alam kung ang pagkakakuha ko sa sinabi niya ay ang ibig niyang iparating sa akin.
"Pero paanong nasagasaan si Yvan?" tanong ko kay Ate Yvonne.
Pakiramdam ko ay isang piraso na lang ang kulang at mabubuo na ang puzzle. Tumitindig na ang mga balahibo ko hindi pa man nalalaman ang buong nangyari, natatakot na baka tama ang hinala ko at sisihin ang aking sarili sa masamang nangyari kayla Kath at Yvan.
"Pauwi na pala sila Hale at inaantay siya ng mga magulang niya sa labas ng bahay nila Kael. Tumawid ata ng pedestrian si Yvan at dali- dali nang humabol kay Hale bago pa umandar ang tricycle nila ni Pastor Rodel. Kaya ayon, hindi kaagad nakapreno ang mabilis na truck na dumaan sa kalsada," at tuluyan ng umiyak si Ate kaya niyakap ko siya.
Tabing kalsada ang bahay nila Kael at national highway iyon kaya marami talagang dumadaan na sasakyan. Marahil ay nasa kabilang kalsada na sila Hale at ang parents nito kaya kinailangan ni Yvan na tumawid para mahabol sila.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...