[7] Truth

17 5 1
                                    

'Listen to your parent's when they tell you advises but not when they dictates you.'

Kael M. Rivera

Hindi pa din kami okay ni Yvy. Simula ng malaman niyang nililigawan ko si Princess Sarmiento, ang nag- iisang anak ng mayor ng bayan namin naging malayo na siya sa akin. Hindi ko masabi sa kanya kung bakit biglang naging gano'n kami dahil sobrang tipid ng mga sagot niya tuwing kinakausap ko siya. Umaalis din agad siya pagkasagot niya.

Hindi ko magawang ibigay ang buong atensiyon ko sa klase lalo na at nahahagip ng paningin ko ang upuan ni Yvy. Nawala na ang Yvy na laging nakangiti at mababaw lang ang kaligayahan. Lagi ng mainitin ang ulo niya at salubong ang mga kilay.

At bakit siya nagpagupit? Akala ko ba ayaw niya ng maiksing buhok? Alam ko naman na pinagtitripan lang siya ni Lowe pero ng magkalapit sila ay hindi ko na magawa pang pahiramin si Lowe ng lecture notes ko sa Math.

Hindi naging kami at hindi ko siya nililigawan. Si Princess siguro ang nagpakalat no'n. Kakandidato bilang vice mayor ang Daddy ko sa darating na eleksiyon at gusto niyang lapitan ko si Princess para mapalapit din siya kay Mayor Sarmiento. Nalaman kasi nila na may gusto sa akin si Princess. Gusto ni Daddy na humangad as Vice Mayor ni Mayor Sarmiento para sigurado na daw ang pagkapanalo niya.

February, March, April, May. Apat na buwan pero hindi pa din ako masanay. Sanay kasi ako na lagi kang kinukulit at gustong- gusto ko tuwing tatawa ka sa mga jokes ko, ikaw lang kasi ang tumatawa kahit corny 'yon. Sobrang positive ka lang lagi sa buhay and that's what I like about you. Tuwing kasama kita nakakalimutan ko lahat.

Nang sabihin sa akin nila Mommy at Daddy na ligawan si Princess ay hindi ko sila inimikan at ginawang excuse ang 2 months summer camp para hindi sagutin ang request nila sa akin. Kinompronta ko si Princess at hindi niya nagustuhan 'yon. Pinaasa ko din siya kagaya mo. Mabuti na lang at hindi naapektuhan sila Daddy at Mayor Sarmiento ng pagkalayo namin ni Princess. Mabilis na nakuha ni Daddy ang loob ng Mayor, bagay nga sa kanya ang maging politiko.

"Magsimula na kayong mag- isip ng possible research topics, samahan niyo na din ng tatlong objectives and that would be your assignment to be submitted tomorrow."

"Goodbye, teacher and thank you for teaching us. May God bless you," sabay sabay naming sabi sa Research teacher namin.

Ibinalik ko na sa bag ko ang Research notebook ko sama kinuha ang MAPEH notebook dahil iyon ang last subject bago mag- lunch.

Nakatingin lang ako kay Yvy habang nag- aantay ng sunod na teacher. Tahimik din ang lahat malamang nag- iisip na ng possible topics na pwede nilang gawan ng research paper.

"Hoy, baka matunaw 'yan."

Napaayos agad ako ng upo saka binuklat ang notebook ko kahit wala pa namang sulat 'yon. Rinig ko ang tawa ni Francis na katabi ko sa upuan pero hindi ko siya pinansin.

"Badminton mamaya?" tanong niya.

"Kaya ba ngayon? Ang dami kayang assignments," sagot ko sa kanya habang kunyari may sinusulat sa notebook ko.

"Pero sasali ka pa din sa Intrams?"

"Oo pero matagal pa naman 'yon."

Pumasok na ng room si Mam Hariette na teacher namin pero wala siyang dalang libro o ano. Hindi daw agad siya magtuturo. Gamitin na lang daw namin para sa classroom officer election ang time niya. Bakit siya pa ang nakaisip niyan at hindi ang class adviser namin?

Agad naman na pumunta sa unahan si John dahil siya ang school president. Siya ang dapat na magpreside sa election.

"Nomination for classroom president is now open," sabi niya.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon