'Hating you at first but ended up falling.'
Jerome S. Molina
Tiningala ko ang dalawang palapag na ospital. Nagliliwanag ang mga binta ng kwarto dahil nagsisimula nang dumilim ang paligid.
Nakasuot pa din ako ng school uniform at sukbit pa din ang bag ko sa likuran. Pagka- ring ng bell sa uwian kanina ay agad akong lumabas ng classroom at nauna nang lumabas ng gate.
Nagulat pa sa akin si manong guard dahil unang beses niya akong nakita na umuwi ng maaga.
Hindi ko na din pa nagawang makapagpaalam kay Kael. Alam na niya 'yon.
Napayuko ako at sinipa ang mga bato sa kalsada. Palakad- lakad lang ako sa harapan ng ospital. Papasok at lalapit sa front desk pero tatalikod din agad at mapapakamot na lang sa ulo.
Papasok ba ako? Anong sasabihin ko kapag nakita ako nila Tita Khay? Eh, alam noon na matalik kaming magka- kompetensiya ni Kath.
Pero paano kung hindi na magising si Kath at isang gagong Jerome ang maiwan sa ala- ala niya? Paano kapag multuhin niya ako dahil sa mga pinag- gagagawa ko sa kanya?
Huli na ba ang lahat para humingi ng tawad?
Huli na ba ang lahat para umamin?
Napakagat ako sa labi ko.
Nakapamewang na humarap ulit ako sa ospital at tiningala ang kwarto ni Kath. Sabi ni Shai second floor daw iyon eh, sa right wing, pang- apat na kwarto. Bukas ang ilaw sa kwarto na iyon kaya paniguradong nandoon pa siya.
Gising na kaya siya? Okay na ba siya? May masakit pa ba sa kanya? Buhay pa ba siya?
"Hoy."
Agad akong napahawak sa puso ko dahil sa gulat. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita si Nurse Becca.
Nakahinga ako ng maluwag.
"Nurse, naman. Bakit nanggugulat kayo?" inis na sabi ko sa kanya.
Tinawanan niya lang ako. "Napakaduwag mo talaga, Jerome."
Kumunot ang noo ko. Parang kaibigan lang niya ang kausap niya, ah. Ang friendly naman niya sa edad niya. Sabagay mukha naman siyang bata, eh, pati sa height.
"Alam ko namang si Kath ang ipinunta mo dito. Kaya halika na," saka niya hinawakan ang kaliwang palapulsuhan ko at hinila ako papasok ng ospital.
Nang paakyat na kami ng hagdan ay inalis ko na ang kamay niya sa pagkakahawak dahil makapanindig balahibo ang lamig noon.
"Kaya ko pong maglakad mag- isa," sabi ko habang paakyat kami ng hagdan papuntang second floor. "At napadaan lang po ako dito."
Napapikit ako sa inis. Ulol. Sinong niloko mo? Eh, nag- jeep ka pa papunta dito at kabilang bayan 'to. Ang bobo mo, Jerome.
Nagkibit balikat lang si Nurse Becca at hindi ko malaman kung pinagtatawanan na niya ba ako dahil naka- facemask na naman siya. Nauuna din siyang maglakad sa akin.
Nang makarating kami doon ay kumatok muna siya saka binuksan ang pinto pero napatigil siya sa pagpasok at nilingon ako marahil nagtataka kung bakit hindi pa ako nakasunod sa kanya. "Ano? Diyan ka na lang?" taas ang kilay na tanong niya sa akin.
Hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Bwisit. Ibinulsa ko ang mga kamay ko sa khaki pants ko at sumilip muna sa loob ng kwarto. Pero agad hinila ni Nurse Becca ang braso ko at hinatak na ako papasok.
Bakit ba kasi nandito siya? Siya ba ang nurse ni Kath? Eh, hindi naman siya dito sa ospital na 'to nagtatrabaho.
Pagkapasok namin ay agad bumungad sa amin si Kath na nakaupo at nakasandal ang likod sa headboard ng kama niya. Natatakpan ng kumot ang kalahating katawan niya at may pillow sa lap kung saan nakapatong ang isang libro.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...