'I act fine but I feel not.'
Kathleen Faye D. Sandoval
They say your last year in high school is that stage of your life where you're torn between making the most out of it, just have fun or being serious, planning out your future instead.
The latter has been my life. My parents would always tell us to take things seriously dahil kung anong ginagawa namin ngayon iyon ang magiging future namin kaya pinalaki nila kami na pag- aaral ang top priority.
Bahay school lang ang routine ko. Parehas na nasa medical field ang mga parents ko. Noong bata pa ako hindi ko naranasan na maglaro sa labas dahil lagi lang akong nasa loob ng bahay at nagbabasa ng libro.
Competition has been my life ever since, competing with my two older sisters and competing in school. I have been rank one since elementary and everyone expects me to be on top especially in Science Subjects and the least thing I want to do is disappoint them, especially my parents.
Me and my sisters have always been rank one, they were all valedictorians and my parents expect me to be valedictorian as well.
Wala na akong pag- asa sa Math dahil masyadong magaling si Yvy doon. Science subjects talaga ako dapat na mag- excel since medical school din ang target ko.
I can't let my guards down now that Jerome is always on guard. Hindi ko siya hahayaang makanumber one sa kahit anong Science subject, clenched fist.
I slammed the table para patahimikin ang maiingay kong kaklase.
"Hoy, respeto naman sa President natin," sigaw ni Lowe. Ngingiti na sana ako sa kanya para magpasalamat pero kinindatan niya ako pagkatapos niyang patahimikin ang classroom.
Napairap na lang ako saka tumalikod sa blackboard. Dapat pala hindi ko na lang hiningi ang opinyon nila about the cleaning schedule.
"Okay, so iyong wala pang schedule, Friday na lang ang open," sabay lista ng mga pangalan na wala pang schedule below the big letters written on the board, FRIDAY.
"Pwede bang sa Saturday na lang, pupunta na lang kami sa school," saka siya tumawa ng malakas.
Napapikit ako sa inis dahil nandito na naman siya sa pang- titrip niya. Rinig ko din ang tawa ng iba pa naming mga kaklase na lalaki.
Huminga ako ng malalim. Okay sige, madali naman akong kausap. Naglagay ako ng panibagong column at nilakihan ng sulat ang mga letrang SATURDAY saka sinulat ang pangalan niya sa ibaba noon.
Binaba ko na ang chalk at humarap sa kanila habang pinapagpag ang mga kamay ko ng taas noo.
"Hoy, biro lang 'yon," sigaw sa akin ni Jerome.
Nagkibit- balikat lang ako sa kanya saka umupo na sa upuan ko.
"Shai paki- take note na lang ang pinag- meetingan natin, irereport ko 'yan kay Sir Ocampo mamaya pagkatapos ng faculty meeting," sabi ko kay Shai na nasa likuran ko. Siya kasi ang classroom secretary.
"Okay, Pres," sagot niya.
Pinagkrus ko ang mga braso ko habang nakatingin sa unahan, taas noo pa din.
"Okay sige, tingnan lang natin kung sino ang mapapagalitan kapag nakita ni Sir na ganyan ang schedule," rinig kong sabi ni Jerome sa likod.
"I was asking for your opinion and you gave me that," sabay turo ko sa blackboard. "Si Sir na ang bahala kung papayag siya diyan."
"Nyenyenye, pabibo."
Kinuyumos ko ang papel na nasa armchair ko at itataas na sana iyon para ibato sa kanya pero hinawakan ni Yvy ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...