'Life is full of surprises indeed. Crazy surprises.'
Marami na akong napanood na mga movie series na bumabalik sa nakaraan iyong bida pero magkakaiba ang kanilang mga endings.
May isang bumabalik sa present pero walang memories ng nangyari sa kanyang pagpunta sa past pero umiiyak siya lagi pag kagising. May alaala siya ng nangyari pero nasa subconscious even unconscious part iyon ng utak niya. Umiiyak na lang siya ng hindi niya alam, sumasakit ang puso sa di malamang dahilan.
May iba naman na bumabalik sa present with memories of what happened at nagawa nilang baguhin ang nakaraan ng swabeng- swabe, walang balakid sa pagbabago nila.
May iba naman na panaginip lang pala ang pagbabalik at muling nagpatuloy ang buhay na parang walang nangyari.
So saan nagfa- fall under ang experience ko? Panaginip ba talaga iyon o nangyari talaga?
Kung panaginip iyon paanong nangyari na nandito si Kael sa harapan ko? Coincidence lang ba 'to? Kung nangyari talagang lahat iyon bakit ngayon lang siya nagpakita sa akin?"Everyone, meet Mr. Kael Rivera our new Accountant," pagpapakilala ni PD sa kanya.
Magkahawak ang kamay na inilibot ni Kael ang tingin sa aming lahat pagkatapos siyang ipakilala. Tinatanguan niya ang bawat empleyado na mahahagip ng kanyang paningin.
Bwisit! Nagpanggap na lang ako na binabasa ang isang papel sa table ko nang dumako ang paningin niya sa side namin. May mask naman ako kaya paniguradong hindi niya ako makikilala. Pero bakit kailangan kong magtago? Bakit ako naiilang?
"Siya ang kukumpleto sa Finance Division," dagdag pa ni PD. Inilahad pa ang kamay para ituro ang office na katabi namin pero magkahiwalay ang entrance.
Nasa second floor kasi ang unit namin at kahati ng palapag na iyon ay ang Finance Division. Nasa baba naman ang dalawa pang unit ng agency namin.
Pagkatapos siyang ipakilala ay lumabas din kaagad sila ni PD para ihatid si Kael sa unit nila. Glass wall lang ang pagitan ng units namin kaya nakikita ko pa rin siya sa malayo.
Pinilit kong ibalik sa screen ng desktop ko ang aking paningin dahil may report pa akong dapat i- submit within the day.
"Out na tayo, Yvy. At saka sa labas tayo mag- lunch para maiba naman," yaya sa akin ni Suzie. Sabay kaming natanggap sa agency na ito at kung mayroon man akong magiging kaibigan dito ay paniguradong siya iyon.
"Tapos mo na ba ang report mo?" tanong ko sa kanya habang abala pa rin sa pagtipa ng keyboard ko.
"Kailangan din natin kumain ano?"
Hindi naman ako titigilan nito hangga't hindi ako umo- oo. Tapos naman na ako sa data analysis at data presentation kaya madali na lang mamaya mag- interpret at mag- furnish ng report. Sana.
Kinailangan pa naming pumila sa biometrics para mag- out with social distancing, syempre. Marami na rin ang nakapag- out kaya maiksi na lang ang pila.
"Sumabay ka na sa akin mamaya pag- uwi."
Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Kael. Nakatingin na siya sa akin. Ako ba ang kinakausap niya? Wow, close kami?
"Bakit ako sasabay sa iyo?" mataray na tanong ko saka humarap ulit kay Suzie na nakatalikod sa akin dahil nasa unahan ko siya.
"Antayin na lang kita sa labas mamaya," sabi niya ulit.
Tatanungin ko pa sana siya kaso turn ko na sa biometrics. Agad ko namang hinila palabas ng office si Suzie pagkatapos.
"Gutom na gutom? Kanina lang ayaw mong lumabas, ah," sabi sa akin ni Suzie habang naglalakad kami sa restaurant na kakainan daw namin. Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ni Kael.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...