'Nababaliw na nga ako.'
"Yvi! Gising na! Mahuhuli na kayo sa eskuwelahan!"
"Bumangon ka na diyan, Yvy! Hindi ka dapat malate ngayon dahil unang araw ng pasukan. Huling taon mo pa naman na ito sa highschool."
Lumapit ako sa may bintana kung nasaan ang study table ko, hindi pinapansin ang mga sigaw sa labas. Umupo muna ako sa upuan. May salamin akong nakita na nakapatong sa table. Kinuha ko iyon at iniharap sa akin. Bilog iyon at blue ang plastik na nakapalibot sa bubog ng salamin. Sakto lang ang sukat para mahawakan ng kamay ko.
Nakita ko doon ang isang babaeng hanggang chin ang straight at maitim nitong buhok. Natatamaan ng sinag ng araw ang mga mata nito kaya lumilitaw ang pagka- brown noon.
Agad kong naibaba ang salamin at napayuko. Pumikit ako at sinabunutan ang sarili ko.
Gumising ka Yvy! Panaginip lang 'to! Kung ayaw mong ma- admit sa mental hospital ay gumising ka na!
"Ano ba Yvy! Papasok ka ba o hindi?" sigaw ni Mama kaya napalingon ako sa likuran ko.
Nakatayo na siya sa pintuan na bukas na pala. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa doorknob ng pinto at ang isa ay sa baywang niya. Salubong na ang mga kilay niya at mahigpit ang pagkakapit sa doorknob.
Pero hindi takot ang naramdaman ko. Napatulala ako kay Mama dahil ngayon ko lang na- realize na ang laki pala ng itinanda niya. Gano'n ba talaga ka- stressful magpalaki ng mga anak?
Makinis ang balat niya sa mukha, walang wrinkles at animoy kumikinang iyon. Maitim at hanggang dibdib ang straight niyang buhok. Naka- pixie cut na kasi siya dahil iyon daw ang uso sa mga kumare niya. Tuwid na tuwid pa din ang tayo niya, walang iniindang sakit sa likod.
Ngayon naniniwala na ako na kamukha nga talaga namin si Mama. Maitim at straight na buhok, brown na mata at maputing balat. Si Papa ay kulot ang buhok, itim ang mata at brown ang kulay, kabaligtaran ni Mama pati sa ugali.
"Yvette Bautista! Ano bang nangyayari sa 'yo, ha? Ayaw mo ba talagang kumilos?" sigaw ulit niya kaya napabalik agad ako sa huwisyo. Bakas din ang pagbabanta sa boses niya.
Napansin kong bumaba ang kamay niya mula sa baywang papunta sa paa kaya tumayo na ako bago pa lumipad sa akin ang tsinelas niya.
Agad kong hinanap ang towel para makaligo na. Nahanap ko din naman agad iyon sa tabi ng kahoy na closet. Nakasabit sa tagiliran noon.
Tulala pa din akong naligo at hindi alam ang gagawin. Kanina pa ako iling ng iling. Ramdam ko din ang lamig ng tubig kaya imposible talagang panaginip 'to.
Pero bakit ako nandito? Pero 'di ba nga gusto kong balikan ang high school days ko? Anong year na ba ako ngayon? 4th year dahil never naman ako nagpagupit ng ganito kaiksi, noong taon lang na 'yon. Magre- restart ba talaga ang buhay ko from this stage? Isa itong kabaliwan!
Pagkasuot ko ng uniform ay humarap ako sa salamin na nasa likod ng pintuan. Nakadikit iyon sa pader at kahit isang dipa lang ang haba noon ay kita ko ang kabuuan ko.
Ako nga, si Yvette na 15 years old ang nasa salamin. Lagpas tuhod ang maroon na palda na may pleats sa palibot. Sakto lang ang luwag ng puting button down blouse. Malapad ang kwelyo nito na abot hanggang likod na animoy kapa ng isang superhero. Nakatali sa ilalim noon ang string na maroon necktie around my neck at naka- ribbon sa harap. Muntik ko pang malitik ang sarili ko kanina sa higpit ng pagkakatali kaya itinali ko ulit iyon ng panibago, maluwag para makahinga ako.
Napapikit ako sa inis nang makita na naman ang maiksi kong buhok. Mabuti na lang at straight ang buhok ko kung hindi magmumukha akong si Dora kahit wala naman akong bangs. Kanina ko pa din iniipit ang buhok ko sa magkabilang tainga dahil humaharang iyon sa mukha ko at tumutusok sa leeg.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...