'This is a story of my past, my present and my future.'
Niyaya ako ni Kael para sa isang date raw dahil unang beses naming nabakante sa trabaho. Since mga newly hired kami ay abala kami sa pag-a-adjust at sa mga tasks na pinapagawa sa amin, maging Sabado at Linggo nakakain na ng trabaho namin.
Sinundo ako ni Kael sa bahay para makapag- paalam na rin daw siya kayla Mama at Papa.
"Saan pala ang punta natin?" tanong ko sa kanya habang sinusuot ang seatbelt sa passenger's seat.
"Sa Mangrove Sanctuary," sagot niya.
Tumango- tango ako at napakagat sa labi ng maalala ang ginawa kong pag- amin doon.
Biglang may kumahol sa likurang upuan at napaawang ang labi ko nang makita ang isang tuta roon.
"Wala kasing magbabantay sa kanya," sabi ni Kael kaya napatingin ako sa kanya. Marahil nakita niya akong nakatitig sa aso. "Don't worry. Iiwan ko siya kayla Tita Gina."
Umuling ako. "Isama na lang natin siya. Anong pangalan niya?" tanong ko na parang batang nakahanap ng bagong kalaro.
"Snow."
"Hi, Snow," masiglang bati ko sa tuta. Kinuha ko siya sa backseat at dinala sa passenger's seat kung saan ako nakaupo.
Sabi ni Kael siya raw ang nag- iisang alaalang iniwan ni Sky. Inampon daw niya si Sky matapos umalis ni Nurse Becca. Nagulat pa ako dahil naalala niya ang nurse sa school namin.
Itim ang malalago nitong balahibo na iba kay Sky pero kuha niya ang malulungkot na asul na mata nito.
Kalong- kalong ko si Snow habang nagda- drive si Kael. Since dagat ang pupuntahan namin ay nagsuot lang ako ng floral dress na kulay dilaw at hanggang tuhod saka flat sandals para kumportable ako.
"Ano palang kakainin natin doon?" tanong ko kay Kael.
Tutok siya sa pagda- drive kaya hindi niya ako nilingon. "May restaurant na raw doon, eh," sagot niya. "Chineck ko sa Facebook page nila."
"Ooooh," manghang- manghang sabi ko. "May seafood sila?" tanong ko sa kanya.
"Wala, eh," sagot niya. "Malay mo soon."
Makulimlim ang paligid marahil may nagbabadyang ulan pero mas maganda kapag ganito dahil hindi masakit sa balat ang sikat ng araw dahil natatabunan iyon ng mga ulap.
"May bagyo ba?" tanong ko kay Kael dahil malalaki ang alon at malakas ang paghampas nito sa dalampasigan.
Tabi kasi ng dagat ang kalsadang dinadaanan namin patungo sa Mangrove Sanctuary.
Sumulyap saglit si Kael sa side ko para tingnan din ang dagat sa labas. "Hindi ko lang alam. Pero sabi naman nila open daw sila ngayon, eh," sabi niya. "And we can just stay sa restaurant if hindi pwede sa bakawan."
Tumango- tango na lang ako sa kanya.
Naging makulay ang Mangrove Sanctuary. Dati kasi puti lang ang kulay ng arko at kahoy na bakod sa entrance maging ang wooden bridge. Pero ngayon napuno na iyon ng iba't- ibang kulay ng pintura.
Malaki nga ang alon at nagkataong high tide pa kaya hanggang restaurant lang ang pwede naming puntahan. May magandang view naman ng mangrove mula sa restaurant.
Parang mas naging maganda pa nga ang lugar dahil sa mga alon at gloomy vibe na dala ng panahon. Malamig ang hangin at hindi dry pero malagkit pa rin siya sa balat.
"Ang ganda pala rito," sabi ko kay Kael habang nililibot ang paningin sa restaurant.
Parang cabin ang itsura noon. Kahoy ang mga tables maging ang mga upuan at ang sahig.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...