'Life is unfair.'
Lealyn S. Miranda
Kung mayroon man akong natutunan sa mundo, iyon 'yon. People take things for granted hindi nila alam na other people are desperate for that thing.
Inilibot ko ang paningin sa buong classroom namin. Sa unahan ako nakaupo pero sa pangatlong hilera malapit sa bintana ang pwesto ko. Ito ang lagi kong pinipiling upuan dahil maganda ang view sa bintana. Sa likod kasi ng school namin ay ang Elementary school din ng bayan namin. Nakakatuwa lang tingnan ang mga bata sa playground na masayang naglalaro.
Pero ngayon sa buong classroom ako nakatingin. Tahimik na pinagmamasdan ang mga kaklase ko. Pasimpleng tinitingnan ang mga kumikinang nilang mga itim na sapatos, ang mga namumuti nilang mga blouse at ang walang gusot at matingkad na maroon nilang mga palda. Kitang- kita na utak lang ang puhunan ko kaya ako tumagal sa pilot section na 'to.
Vacant time namin ngayon dahil may meeting daw si Ms. Anna kaya iniwanan niya kami ng reading assignment. Ilabas daw namin ang libro namin at ipagpatuloy ang pagbabasa.
Inilabas ko ang libro na hiniram ko sa pinsan ko pero pagkalabas ng mga libro ng mga kaklase ko parang gusto ko na lang iyon na itago. Dapat pala humiram na lang ako sa library para maayos naman tingnan.
Wala na kasi iyong cover at halos magtanggalan na ang mga naninilaw na papel noon. Halatang- halatang madaming kamay na ang pinagdaanan ng libro ko. Kaya sa huli ay itinago ko na lang iyon at tahimik na pinagmasdan ang mga kaklase kong seryosong nagbabasa maliban sa mga lalaking nakaupo sa back row.
Ano pa bang aasahan sa kanila? Sila iyong mga tipong kahit hindi mag- aral ay nakaka- abot pa din sa maintaning grade. Ang iba ay dahil sa mga anak sila ng mga kakilala ng mga teacher namin. Hindi na kailangan maghirap pa sa pag- aaral dahil electric fan lang ay pasado na.
Napatingin ako sa likod ko at nakitang nakasubsob sa sulatan ng arm chair niya si Thaly. Nakapatong ang ulo niya sa braso at mukhang natutulog pero napansin ko ang isa niyang kamay na nakahawak sa tiyan niya.
"Masakit ba tiyan mo, Thaly?" mahinang tanong ko sa kanya.
Iniangat niya ang ulo niya saglit at saka matamlay na tumango sa akin. Maputla ang mukha niya at kita ko ang butil butil na pawis sa may noo niya.
"Ikukuha kita ng gamot sa clinic," sabi ko. Sa mukha pa lang niya parang hirap na hirap na siya.
Tumayo ako at lumapit kay Francine sa unang hilera ng upuan sa may likod. Agad naman niya akong nakita dahil nakamasid siya sa buong klase at nakataas na ang kilay niya sa akin. Marahil nagtataka kung bakit ako papalapit sa kanya. Siya kasi ang naglilista sa mga taong hindi nagbabasa, nag- iingay o kaya ay nakatayo.
"Pupunta lang ako ng clinic," sabi ko sa kanya pagkalapit ko doon.
Agad namang napalitan ang mataray niyang mukha ng pag- aalala. "May masakit ba sa 'yo?"
Umiling ako at itinuro si Thaly. "Si Thaly, masakit ang tiyan."
Agad naman siyang lumapit kay Thaly pagkaalis ko. Mabilis akong bumaba ng hagdan dahil baka may makakita sa akin at isumbong ako kay Mam Anna.
Kumatok muna ako sa pinto ng Clinic kahit nakabukas naman iyon.
Lumabas ng office niya si Nurse Becca. May maliit din kasi doon na office para sa kanya. Maliit lang ang clinic namin at wala masyadong pumupunta doon dahil nakakatakot nga.
Puti ang mga kurtina, puti ang unan, kumot at mga higaan. Tatlo lang ata ang kama doon na may harang din na white curtain sa pagitan. May mga sofa din naman para sa mga students na magpapacheck- up lang o kaya ay hihingi lang ng gamot katulad ko.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Fiksi Remaja"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...