[20] Graduation

6 1 0
                                    

'Be wise in your career choices.'

Para akong character ng isang libro dito sa 2011, papasok lang ako kapag kailangan na ako at scene ko na. Napakadaya.

Masama na ang tingin sa akin ni Mama habang kumakain kami dahil nasa hapag kainan kaming lahat. Nakatingin na din sa akin sila Papa, Yvan, at Ate Yvonne pero hindi ko alam kung bakit. Nice.

Nakaupo sila Papa at Mama sa magkabilang dulo ng lamesa. Magkatabi kami ni Ate Yvonne, mag- isa lang si Yvan sa harap namin.

Napakagat ako sa labi ko at hindi makatingin ng diretso kay Mama dahil salubong na ang mga kilay niya at mahigpit ang kapit sa kutsara at tinidor. Sa akin siya nakaharap so....ako ang kinakausap niya? Ano ba ang sinabi mo Yvette at nagalit si Mama? Ang lapit ko pa naman sa kanya. Pwede bang cut muna direk? Huhu, takot ako.

"Hayaan mo na si Yvette," biglang sabi ni Papa. "Kaya pa naman natin silang suportahan ni Yvonne."

Ano ba kasi iyon?

Ibinaba ni Mama ang kutsara at tinidor saka napabuntong hininga.

"Sabihin mo nga sa akin, Yvette. Kaya mo ba tinanggihan ang University na nag- offer sa iyo ng full scholarship dahil gusto mong sundan si Kael sa ibang university? Kaya Accoutancy din ang kukunin mo?" tanong niya sa akin. Kalmado naman ang boses niya pero bakit tunog nagbabanta siya?

Napalunok ako ng laway. Walang nag- uupdate sa akin. Ano na ba ang naging desisyon ni Yvy? Hindi niya pa ito nasasabi kayla Mama o pinipilit siya ni Mama na balikan iyong naunang University?

"Gusto ko pong mag- Accoutancy, 'Ma. Marami raw kasing yumayaman doon. Ayaw niyo noon?" sabi ko na parang nagpapaawa sa kanya.

Mukhang sinadya ni Yvy na sundan si Kael sa University na pinili nito dahil Accoutancy lang din naman ang kukunin niya. Pagmamahal nga naman. Hindi naman iyon ang intensiyon ko basta Accountancy ang kukuhanin kong course. Mas kilala din ang University na pinili ni Kael pagdating sa field na iyon. Wala din namang Accountancy talaga doon sa unang University na pinasahan ko.

"Pero sayang naman ang full scholarship doon sa isang university," sabi niya pa. Mukhang ipipilit niya ito. "Alam mo naman na magkakasabay kayo ni Ate Yvonne mo," dagdag niya pa, halatang malapit na maubos ang pasensya sa akin.

Marahil nandito ako dahil pabigay na si Yvette at susundin na lang ang gusto ng Mama niya. Isa pa nga pala ito sa dapat kong baguhin, masyado na akong nadidistract sa love story namin ni Kael. Hindi lang nga pala iyon ang dapat kong baguhin.

"Magpa- part time ako kung gusto niyo," nakangusong sabi ko, may halong lungkot ang boses para mas maawa si Mama. Actress ata 'to. "Malay niyo makakuha pa ako ng scholarship." Tiningnan ko si Mama pero mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. "Gusto kong mag- Accountancy, Maaaa," saka ako nagdabog na sa lamesa.

"Ayusin mo, Yvette," suway sa akin ni Mama kaya umayos na ako ng upo pero nakayuko, handa ng umiyak kung kinakailangan. "Kausapin ko muna ang Tita Weng mo."

Napatingin ako sa kanya at nanunubig na ang mga mata ko. Ibig sabihin kasi noon ay partly pumapayag na siya.

"Tutulungan ako noon ni Tita Weng," masiglang sabi ko kay Mama. "Ako pa," pagyayabang ko. "Favorite pamangkin ata ako noon."

Yes! Madali na lang ito. Masaya kong ipinagpatuloy ang aking pagkain.

"Ang lamig!" si Ate Yvonne.  "Tumayo ka muna Yvan at sarhan ang bintana. Pumapasok ang hangin. Mukhang uulan."

***
Nakita ko si Papa na katabi ko sa paglalakad.

Okay part ko na ulit. 1...2..3...action!

May suot akong white na toga, black stilettos at may graduation cap sa ulo ko na paniguradong white din kahit hindi ko iyon nakikita.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon