[12] Confesxion

14 2 0
                                    

'It's now or never.'

Bakit parang sobrang bilis naman ng oras dito? Pero in fairness hindi ako masyadong nahihirapan sa mga subjects ko, madami lang talagang ginagawa.

Mas nabibigatan pa nga ako sa mga extracurricular sa school like school programs. Pero pili lang ang sinasalihan ko, hindi gaya dati na lahat ng intermission number nagvo- volunteer ako.

Nagawa ko naman na lahat iyon noong First Year up to Third Year. Naging distracted ako noon dati ng Fourth Year ako pero ngayon babawi na ako.

Tinanggihan ko ang alok nilang sayawin ang Starships ni Nicki Minaj maging ang Fire ng 2NE1 as intermission number sa event ng school. Muntik ko pa ngang masabi na magdi- disband ang 2NE1 soon dahil hindi nila ako tinitigalan hangga't hindi ako napapa- oo, mabuti na lang napigilan ko ang bibig ko. Spoiler.

May field trip ang mga 4th years ngayon kaya kahit ayaw ko ay kailangan namin lahat lumabas ng classroom para masilayan ang mundo sa labas. Mukhang nasanay na din ata ako na nakakulong lang sa loob kaya maging hanggang dito sa 2011 ay nadadala ko iyon. Habits, really are scary.

Sa isang Mangrove Sanctuary ang punta namin. Ang nag- iisang mangrove forest na ginawang resort sa probinsya namin para maka- attract ng tourists. Madaming mangroves ang nakapalibot sa coastal area na iyon at mayroon ding wooden bridge para maikot ang lugar nang hindi nababasa ang mga paa.

Ang pinaka- event ay ang mangrove planting pero pinagdala na din kami ng extra clothes if ever gusto daw namin maligo at makita ang mga isda sa dagat.

"Sa kabilang section na lang ako," sabi ni John nang makasakay kaming lahat sa jeep.

"Bakit? Eh kasya naman tayo dito," taas ang kilay na sabi naman sa kanya ni Kath na katabi ko.

Nakasakay na kaming lahat sa jeep at si John na lang ang hindi. Sumusulyap- sulyap pa siya sa gilid niya.

Sa left side kami nakaupo ni Kath sa may hulihan ng jeep dahil kailangan niyang bantayan ang mga kaklase namin at masigurong lahat ay nakasakay at hindi pababa- baba. Mukha tuloy kundoktor ng jeep si Kath.

Napakamot sa ulo niya si John.

Ay 'sus, gusto lang niyan sa kabilang section dahil nandoon ang jowa niya. Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil may crush nga pala si Kath kay John.

Nasaan na ba kasi si Emily?

Nandoon pala siya sa unahan nakaupo, katabi ng driver at kasama niya doon si Psalm.

"Ako din, hindi din naman tayo kasya dito, eh," sabi ni Lowe saka bumaba ng jeep.

Umapir pa siya kay John bago sila naglakad paalis na dalawa.

"Tss. Gusto lang nilang makasama ang mga girlfriends nila. Mga traydor. Mas inuuna pa sila kaysa sa atin," galit na sabi ni Kath. Halos magusot pa ang papel na hawak niya sa higpit ng pagkakakapit doon.

Bigla kong naalala iyong araw na umiyak sa akin si Kath sa women's restroom sa high school dahil nasasaktan daw siya tuwing nakikitang masaya sila John at Kate. Nahihirapan daw siya dahil hindi man lang niya masabi ang nararamdaman niya kay John dahil may girlfriend na ito.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Kael na nasa kaliwa ko at may hawak na gitara.

"Okay lang," nakangiting sabi ko sa kanya.

Inipit niya ang guitar pick sa bibig niya saka inayos ang tono ng gitara. Napakagat ako sa labi ko at napaiwas ng tingin. Naaamoy ko pa ang pabango niya sa sobrang lapit sa akin.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon