[14] Myxteries

13 3 0
                                    

'Genuine friendship is one thing you can get out of high school.'

Hindi na ako tumitingin sa kalendaryo at inaalam ang date. Hindi ko na pahihirapan ang sarili ko. Alam kong may dahilan ang lahat and that is what I am currently trying to find out.

First time kong magsulat ng diary/journal entries, at hindi ko inaasahan na magiging detective ako sa pagbabalik ko dito.

Isinulat ko lahat ng sa tingin ko ay mga nangyari sa pagbabalik ko dito sa high school. First day of classes, Induction Ball, Field trip at Career Orientation. Iyon pa lang ang sigurado akong nandoon talaga ako as a 25 years old Yvy.

I suck at detectives stuffs. I still couldn't get the pattern!

Agad na hinanap ng paningin ko si Kath pagkapasok ko ng classroom namin dahil wala pa siya sa upuan. Late na din ako nagising pero nakaabot pa naman ako bago magsara ang gate. Ngayon lang ata siya nalate.

Pero natapos na ang flag ceremony at lahat ay wala pa rin akong nakikitang Kath sa paligid ko. Kaya bago pa mag- ring ang bell for first period ay tumayo na ako at pumunta sa upuan ni Veron na nasa harap nila Kael.

Kapit bahay kasi ni Veron sila Kath, baka alam niya kung bakit hindi siya pumasok.

Nakatungo si Kael maging ang katabi niyang si Francis, abala sa sinusulat nila. Hindi kami masyadong nakapag- usap kahapon. Hindi ako sigurado kung kahapon nga lang ba iyon, baka kasi tumalon na naman ang oras dito. Tulala na lang ako noon at pasulyap- sulyap kay Nurse Becca.

Hindi ako puwedeng magkamali, kaya pala siya pamilyar sa akin dahil nakita ko na siya. Pero year 2021 iyon, sa park kung saan ako huling pumunta bago bumalik dito sa 2011. Anong ginagawa niya dito?

Kailangan ko siyang makausap ngayong araw dahil siya lang ang makakasagot sa mga tanong ko.

Hindi ata ako napansin ni Kael na lumapit dahil abala pa din siya sa sinusulat sa notebook niya maging itong si Veron. Tinuktok ko ang sulatan sa arm chair ni Veron para maagaw ang atensiyon niya.

Saglit siyang tumigil sa ginagawa at tiningala ako.

"Wala si Kath?" tanong ko sa kanya.

Tumayo siya konti para silipin ang upuan ni Kath dahil nahaharangan ko ang view niya.

"Hindi ko alam. Wala pala siya," sagot niya saka umupo din at ibinalik ang tingin sa papel.

Napatingin ako sa paligid at nakayuko din ang lahat.

Mabilis ang pagsulat ni Veron sa papel niya. Tiningnan ko iyon at nakitang nagde- derivatives siya. Mukhang may assignment kami sa Calculus na mas importante pa sa kanilang lahat kaya hindi nila napansin na wala pala ang isa nilang kaklase.

Agad na nagsalubong ang kilay ko at hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.

"Anong klaseng classmate at kapit bahay ka, ha? Ni hindi mo man lang ba napansin na wala pala ang isa mong kaklase?" taas ang boses na sabi ko sa kanya.

Napahawak siya sa dibdib niya at napaawang ang labi sa biglaang pagsigaw ko. Maging sila Kael na nasa likuran ni Veron ay napatigil sa ginagawa at napatingin sa akin. Hindi na ako magtataka kung ang iba pa naming kaklase ay nakatingin na din sa akin.

"Bakit sa akin ka nagagalit? Bakit ikaw, ha?" - tinuro niya ako-  "Tinawagan mo man lang ba siya? Nitong mga nakaraan nga hindi kayo nagpapansinan tapos ngayon alalang- alala ka? Anong klase best friend ka?" palabang sagot naman niya.

Kumuyom ang mga kamay ko at parang ang sarap niyang sampalin. Biglang nag- flash sa harapan ko lahat ng pag- aaway namin ni Veron noong una kaming magkakilala sa first year high school.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon