'Love can be scary too.'
Binuksan ko na ang laptop ko dahil magsisimula na ang online reunion ng Batch 2011, mga batchmates ko noong high school.
Sa study table na malapit sa pintuan ako pupuwesto so ang kama ko ang magiging background.
Kanina pa ako actually nag- aantay mag- 8 pm. Naglinis pa ako ng kwarto ko. Okay naman ang room ko dahil peach ang kulay ng wallpapers at plain lang.
Maliban sa dalawang closet, isang kama, at study table ay wala na din ako masyadong gamit pa dito dahil madalang nga akong umuwi at 6 months pa lang din ako dito. Nasa Tita ko pa sa Manila ang karamihan sa mga gamit ko. Doon kasi ako tumutuloy noong nag- college ako.
Inayos ko din ang sarili ko para naman kahit sa panglabas lang, ayos akong tingnan. I braided my long hair na hindi ko na alam ang kulay dahil mabilis akong ma- bore sa buhok ko. Noong una brown ang trip ko, ngayon naman tina- try ko ang shades ng red, so reddish brown na siya? Ewan, basta 'yon. Nagsuot lang ako ng white polo blouse na cropped top at black na high waist skinny jeans tapos tsinelas.
Nag- vibrate na ang phone ko at sumasabog na 'yon sa mga messages ng high school friends ko sa section namin. May isa pa actually na group chat ng buong High School Batch 2011 pero naka- mute iyon sa akin dahil mas lalong maingay doon.
60 messages from Exxii 2011
Walang ganang ibinaba ko ang phone ko. Hindi ko binuksan ang gc dahil hindi naman talaga ako nagcha- chat doon. Hindi ko sila kinakausap unless i- pm nila ako. Pa- importante lang, ba't ba? Nag- chat lang ako kay Kath para sa link at agad naman siyang nagreply.
Click here to join the meeting.
Clicked.
Tumingin ako sa wall clock ko sa taas ng pintuan at nakitang 8 pm na. In-open ko ang camera ng laptop pero kumunot ang noo ko nang makitang wala pa masyadong tao. Nakita ko sila Psalm at Noah. May mga ibang nag- aayos pa ng background nila.
In- off ko muna ang camera at ang mic. Paniguradong late na naman 'to magsisimula as usual. Nag- ring ang phone ko at tumatawag si Kath.
"Oh," sagot ko habang papalabas ng room para kumuha ng pwedeng snacks sa ref.
"Nag- join ka na?"
"Kita mo naman siguro diyan, no? Nag- appear ang name ko," iritang sabi ko habang bumababa ng hagdan.
Napatigil ako pagkababa ko ng hagdan dahil may babaeng naka- upo sa sala na diretso lang ang tingin sa TV na nasa harapan niya pero naka- patay naman ang TV. Nakatitig lang siya doon. Puti ang damit at mahaba ang buhok.
"Oh, sige na. Text na lang kita kapag nag- aattendance na Ms. Sungit," sabi ni Kath sa phone saka ibinaba ang tawag.
Nilapitan ko iyong babae at agad naman siyang tumayo nang makita niya ako. "Ah, kasama po ako ni Yvan," nahihiyang sabi niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Okay, hindi siya multo.
Kasama ni Yvan? Tumaas ang isang kilay ko.
Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Mapagkakamalan talaga siyang multo. Naka- cropped denim jacket pala siya, iyong white dress lang kasi ang napansin ko. Maliit ang mukha niya, maputi, payat, at medyo may katangkaran dahil kapantay ko na kaagad siya. Mukhang dalagang Pilipina.
Pero mas gusto ko 'to kaysa kay Julia. Hindi lang kasi ilong ang sumasakit sa akin kapag nandito iyon sa bahay, pati mata dahil sa sobrang tingkad na mga kulay na suot niya. Tinanong ko nga once kung kilala niya si Sharpay ng High School Musical pero hindi daw.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...