'One thing we all treasure in high school: classmates.'
Sembreak na.
Ito iyong dalawa hanggang tatlong linggong break ng mga estudyante sa pagitan ng mga buwan ng October at November.
Iba pa ang school calendar noon, eh. Sa 2021 kasi ang ibig sabihin ng sembreak ay Pasko at Bagong Taon. Sa 2011, ang ibig sabihin ng sembreak ay Undas.
Pero hindi ko inaasahan na matatagpuan ang sarili ko sa harapan ng madaming tao.
Tumayo ang lahat at nagsipalakpakan. Ang iba ay humihiyaw pa at itinataas ang mga kamao nila.
"Ang galing mo crush!"
"Ang galing mo Yvy!"
Ramdam ko ang pangangalay ng mga tuhod ko at mabilis ang paghinga ko na para bang kilo- kilometrong layo ang tinakbo ko.
Nakahawak ang kanang kamay ko sa baywang at magkalayo ang aking mga paa. Nagmo- model ba ako?
Napatingin ako sa tabi ko at nakita ang tatlo pang babae na naka- pose ng kagaya sa akin at nakahilera kami, horizontally facing the crowd.
Naka- maong shorts sila, high cut rubber shoes at red shirt na katulad din pala ng suot ko. May pulang panyo din na nakatali sa kaliwang kamay namin.
Bwisit.
Agad akong napaayos ng tayo at sumunod na sa mga kasama ko paalis ng stage. Mukhang kagagaling lang namin sa isang intermission number.
"Wow! What a graceful dance number. As expected from Maruin National High School Dance Club. Thank you students."
Tumambay muna ako sa gilid ng stage para alamin ang nangyayari dahil tumalon na naman ang timeline ko.
Sa harap ay may stage at nasa podium sila Psalm at isang hindi ko kilala.
Binasa ko ang pangalan ng event.
Natatakpan ng puting kurtina ang pader sa harapan. May disenyo iyong pulang kurtina sa magkabilang gilid at sa gitna noon ay malalaking letra na gawa sa papel at kulay berde.
Camp-aligiran: Kabataan Tungo sa Berdeng Kinabuksan
Ito ata iyong 3 days camping namin na pakana ng Environmental Club kung saan president si Psalm. Kaya siguro siya nasa unahan at nage- emcee.
Students from different school across our town ang participants dito kaya siguro hindi pamilyar ang mukha ng mga tao sa paligid ko.
May bubong ang hall na iyon pero isang pader lang ang mayroon, iyong nasa harapan na siyang stage.
Madaming mga estudyante na kaedad ko ang nakapalibot doon at nakaupo sa mga benches. Iba't- iba ang kulay ng suot nilang damit at magkakasama ang magkakakulay.
Bakit laging may color coding sa high school? Natatandaan ko pa noon, halos mapuno na ang damitan ko ng iba't- ibang kulay ng t- shirt from my high school days. Nakumpleto ko na ata ang mga kulay sa rainbow.
Sa isang corner ay ang mga naka- asul, katabi naman nila ang mga naka- berde, kasunod ay ang mga naka- itim, mga naka- puti, naka- pink at mga naka- red. Naka- red ako kaya siguro pamilyar ang mga mukha ng mga estudyante sa kumpol na iyon.
Pero nasaan ang mga kaklase ko?
"Hoy, Yvette."
Napalingon ako nang marinig ang pangalan ko. Paniguradong hindi kami close nito dahil tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Yvy kasi ang tawag sa akin ng mga kaklase ko.
"Nandiyan ka lang pala. Hinahanap ka na nila Shai. Nandoon sila," saka itinuro ang isa pang kumpol ng mga nakapula sa may bandang likuran. Kaya pala hindi ko sila makita. Marahil ay masyadong madami ang participants sa school namin kaya nahati.
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...