'Mabubuhay na lang ba ako sa pagsisisi?'
Iminulat ko ang mga mata ko at saglit na tumitig sa kisame. Bwisit. He's still there. I've dreamed of him again.
Ano ba ang mayro'n sa high school years ko at laging iyon ang laman ng panaginip ko? At bakit lagi na lang siyang nando'n? And worse pati sa panaginip ay head over heels ako sa kaniya? Hindi na kilig ang nararamdaman ko kung hindi galit......na may konting takot.
I never thought love stories could turn into horror ones. Bangungot na ito at malala na. Ano ba ang gagawin ko para mawala 'to? Bakit ko ba siya laging napapanaginipan?
Napasabunot na lang ako sa sarili ko saka bumangon na dahil naririnig ko na ang boses ni Mama mula sa labas ng kwarto ko.
"Aba! Tanghali na ay mga tulog pa kayo? Magsibangon na kayo, oy! Handa na po ang umagahan niyo, mga Ma'am, Sir!"
Napairap na lang ako at tumayo na. Kinuha ko ang towel at lumabas ng kwarto para maligo dahil nasa labas ang CR.
Dalawa ang CR sa bahay namin, isa sa taas at isa sa baba. Bagong gawa kasi ang second floor at nandito na lahat ng kwarto namin kaya nagpagawa ulit sila ng CR.
Dati, isang floor lang ang bahay namin. Ngayon, medyo umuunlad naman na dahil tatlong taon ng public teacher ang Ate Yvonne ko at may ambag naman ako kahit papaano. Nakaipon na din sila Mama mula sa grocery store namin.
Pagkatapos kong magligo at magpalit ay lumabas na ako ng kwarto. Sinasadya ko talagang bagalan ang pagkilos ko para hindi ko maabutan si Mama sa hapag kainan dahil hindi naman pagkain ang ipapakain niya sa akin, kung hindi sermon. Kesyo, ano daw gagawin ko sa buhay ko, ano daw plano ko, ganito na lang daw ba ako habang- buhay? Bwisit.
"Yvy, puwede ka ba mamaya? Papatulong sana ako magprint at magbind ng mga modules. May gagawin ka ba?" tanong sa akin ni Ate Yvonne pagkaupo ko para mag- almusal.
Wala na sila Mama, mukhang nakalakad na para buksan ang grocery kasama si Papa.
Umiling ako sa kanya. "Wala na. Antay- antay na lang ako ng tawag for exam," sagot ko at nagsimula ng kumain.
Kumuha lang ako ng loaf bread at gumawa ng peanut butter sandwich saka nagtimpla ng gatas. Kaharap ko si Ate na pinapapak lang ang bacon sa plate niya.
"Makakahanap ka din, ikaw pa ba?" sabi niya saka matamis na ngumiti sa akin.
Hindi ko alam kung paano magre- react sa kanya. Ang lagi ko kasing reakyon sa linyang 'yan ay patagong pag- irap dahil ang dating sa akin noon ay kinakaawaan ako at super plastik. Pero Ate ko 'to at hindi niya deserve iyon.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Ang tagal ko na din na napapakinggan ang linyang 'yan sa mga kaibigan ko. Noong una nakaka- motivate pa siya pero ngayon wala na siyang epekto sa akin.
Nakita ko si Yvan sa hagdan na mukhang kabababa lang galing kwarto niya. Nakakatawa lang na lumalabas lang kami ng kwarto namin kapag wala na si Mama. Kapag nariyan siya, nasa kwarto lang namin kami at nagkukulong.
"Ate Yvy, punta ka daw sa grocery store mamayang hapon dahil pupunta ng BIR sila Mama at Papa," sabi ni Yvan pagkaupo niya.
Napabuntong hininga na lang ako. Wala naman akong magagawa. Wala naman akong karapatang magreklamo dito, eh. Iyon na nga lang daw ang maitutulong ko.
Pagkatapos naming kumain ay naghugas na ako ng mga pinggan. Naglinis na din ako ng bahay. Katulong ako dito, eh.
'Si Yvan ay may online class at gano'n din si Yvonne. Kami naman ng Papa niyo ay kakayod para may makain tayo. Kaya wala talagang ibang mag- iintindi dito sa bahay kung hindi si Yvette.'
BINABASA MO ANG
Restart Senior High [Completed]
Teen Fiction"Never thought love stories could turn into horror ones." Yvette L. Bautista is being haunted by her decisions back when she's still in Fourth Year High School. She regrets everything, career decisions and love. She wishes to turn back the time and...