[4] Triggered

14 5 0
                                    

'Wala na ata akong matinong ginawa sa mata ng Mama ko.'

Idiniall ko agad ang number ni Kath pagkabangon. Tumingin ako sa orasan habang nag- aantay na sagutin niya ang tawag. 6 am pa lang naman, siguro hindi pa siya pumapasok.

"Hello," mahinang sagot niya, mukhang kakagising lang.

Nakonsensya naman ako bigla. "Kakagising mo lang?"

"Napanaginipan mo na naman siya 'no? Ayaw mo talagang magpa- consult sa psychiatrist?" sabay tawa niya pa.

"Hindi ako baliw," may diing sagot ko sa kanya.

"Malay mo lang. O kaya Psychologist. Ah, si Paula, di ba sabi niya kagabi Psychology daw tinapos niya, Registered Psychometrician na daw siya, eh."

"Anong sasabihin ko sa kanya? Uy, Pau, alam mo ba lagi kong napapanaginipan si Kael na classmate natin noong high school, mukhang hindi pa ata siya nakakalimutan ng utak ko. Gano'n? Gano'n ang sasabihin ko?" inis na sagot ko sa kanya pero tinawanan niya lang ulit ako.

"Tinanong ko 'yan actually sa isang psychiatrist na friend ko, hindi kay Pau, kaya safe ang secret mo."

"Oh, anong sabi? Magpa- schedule na daw ako ng appointment sa kanya?"

"Hindi, no. Although nasa iyo daw ang problema. May mga unpursued dreams ka daw dati kaya hanggang sa panaginip nadadala mo."

"So ano 'yon? Sa panaginip ko siya pinu- pursue, gano'n? Ang corny naman."

"Mag- confess ka na kasi. Wala naman na siyang girlfriend ngayon, eh. Kakabreak lang nila ng girlfriend niya noong college tapos may ibang boyfriend na din si Princess ngayon. Nakakailan na siya, ikaw wala pa."

"Tapos ano? Anong mangyayari? Mas lalo namang hindi kami p'wede dahil tambay ako tapos siya Accountant na sa isang sikat na Accounting Firm. Mas lalong hindi ako magugustuhan ng parents niya."

"So, pinag- iisipan mo nga. Ikaw, ah. Hahaha."

"Itikom mo ang bibig mo Kathleen Faye Sandoval kung gusto mo pang sikatan ng araw bukas."

"Ni hindi ko na nga nakikita ang pagsikat ng araw, eh. Sad. Sige na. Sige na. Kailangan ko nang mag- ayos at duty ko na. Lab you, Baby Yvy. Mwah," saka niya in- end ang call.

Napahilamos na lang ako sa mukha. Bwisit. Ano bang kailangan kong gawin para tumigil na 'to?

Tumayo na ako at naligo dahil may exam at interview ako ngayon sa government agency na same agency ng pinagtrabahuhan ko sa Manila. Mag- aapply na din ako sa iba pang agency para sulit ang pamasahe.

Nagsuot lang ako ng light blue na blouse na may kwelyo saka high waist black pants. Casual but formal. Nag- ponytail na din ako para maayos ako makapagsagot mamaya. Kinuha ko na ang sandals saka bumaba para kumain.

Kakain lang ako tapos aalis na din dahil mahirap ang transpo sa probinsya. Aantayin mo munang mapuno ang jeep bago ito umalis.

Pero pagkababa ko ay nasa kitchen si Mama kumakain. Wrong timing. Retreat? Pero hindi pwede dahil nakita niya na ako at nagmamadali din ako.

"Saan ang punta mo?" taas ang kilay na tanong niya habang kumakain kami.

"May exam at interview ako, Ma."

"Na naman. Anim na buwan ka ng ganyan. Kapag natatanggap ka naman nirereject mo."

Hindi na lang ako umimik dahil sabi ni Papa habaan ko daw ang pasensya ko pagdating kay Mama. Hindi lang kasi istura ang  namana ko sa kanya kung hindi ang pagiging mainitin din ng ulo.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon