[1] Hollow

28 8 5
                                    

'Bakit ba ako nandito sa mundo?'

I am in the middle of a crisis. Ano bang tawag nila dito? Existential crisis? Midlife crisis? Quarter life crisis? Ewan. Basta ang alam ko ay hindi ko alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nakakabaliw pakinggan but this is the life of Yvette Bautista at the age of 25, my life.

It's been 3 years since I graduated college at a university in Manila but guess where I am right now? Still undecided which roads to take after.

Ito ang mahirap kapag ang course mong kinuha ay pwede kahit saan, in the end wala kang mapuntahan. The struggle of having too many options. Hindi kagaya kapag ang course mo ay Nursing o kaya Engineering, dire- diretso lang ang daan.

I'm stuck while others are busy reaching for their dreams. I'm struggling finding what I really want do with my life while others already knows it even before they step into college. I want to experience that glow they say people have while doing what they're most passionate about. Bakit kasi wala akong pangarap?

Bumuntong hininga na lang ako saka tumingin sa labas ng jeep. Kapag ganito talagang mahaba ang byahe ay kung ano- anong kadramahan ang pumapasok sa utak ko.

Malapit na pala ang bahay namin dahil nakikita ko na ang puno ng mangga at ang asul na gate. Inilabas ko na ang one peso coin, handa na sa pagpara. This is the most effective way ng pagpara lalo na sa probinsya dahil ang bilis ng takbo ng jeep dito. Wala kasing traffic. Mas malakas ang pagtuktok sa metal na hawakan sa jeep kaysa sa pagsigaw at pagkatok sa bubungan.

"Kuya, para po," sabay tuktok sa metal na hawakan but this time I was off beat. Nakakahiya pero anyways narinig naman. Okay na 'yon.

Pagkababa ko ay tumigil muna ako sa labas ng gate namin dahil kailangan kong magsanitize bago pumasok ng bahay. Mahirap na. Prevention is better than cure. Wala nga palang cure. Eh, di prevention is better than Covid na lang.

Nag- spray ako ng alcohol sa buong katawan, sa sling bag at sa folder na hawak ko. Itinaas ko ang faceshield na nasa mukha ko at itinapon ang facemask sa basurahan na nandoon. Masakit na sa balat ang sikat ng araw dahil 2 pm na kaya agad- agad akong nag- alcohol bago hawakan ang gate saka nag- alcohol ulit pagkasara no'n. 'Yong overthinker dati paranoid na ngayon.

Six months na noong umuwi ako sa probinsya. Dati naman konti lang ang Covid positive cases dito pero ngayon tumataas na. Mga pasaway kasi at marunong pa sa mga professionals. Although malayo naman sa bayan namin ang Capital kung saan madaming cases ay mabuti na din na mag- ingat. Lalo na at doon ako lagi pumupunta dahil nandoon ang lahat ng national agencies dito sa probinsya. Gaya ngayon, doon ako galing.

Pagkapasok ko ay hindi muna ako pumasok ng bahay at tumambay muna sa garden sa harapan. May mahabang upuan doon na kulay puti at may sandalan. Nasa lilim iyon ng punong mangga kaya hindi mainit.

Umupo ako sa kabilang dulo saka inilapag ang mga bitbit ko sa tabi ko. Tinanggal ko din ang sandals na suot ko at nagtapak na lang dahil sumakit ang mga paa ko kakalakad kahit 1 inch lang naman ang heels no'n. Ang init pa ng panahon. Nakahigh waist skinny jeans lang naman ako at white blouse na makati sa balat.

Pinagkrus ko ang mga binti ko at isinandal ang likod sa upuan. Tiningnan ko ang mga bulaklak sa harapan.

Maraming tanim ang nakapalibot sa bahay namin. Mahilig sa gardening ang Papa ko at mas pinalala pa iyon ng pandemic.

Ang sarap nilang tingnan, iba't iba ang kulay tapos bermuda grass pa ang tinatapakan ko. Bakit kaya hindi na lang ako naging orchid, o kaya ay rose o kaya kahit itong damo na lang? Mukhang ang sarap ng buhay nila, eh. Ang simple at walang iniisip. Ang hirap maging tao.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon