[21] Unexpected

7 2 0
                                    

'It never hits you until you're on the verge of losing someone.'

Anong pipiliin mo? Ang bumalik sa past o ang makita ang future?

Never pumasok sa isip ko na isagot ang 'makita ang future'. Automatic 'bumalik sa past' ang sagot ko at hindi lang iyon, may kadugsong pa.

You see, nakakabaliw ang concept of time. Ang present mo ngayon ay future mo in the past, ang future mo ay magiging present mo din at ang present mo ay magiging past mo in the future. Oh, di ba? Sakit sa ulo.

But I would like to think of them as separate worlds. Separate ang mundo ng past, present at future ko. Kaya ang sagot ko ay hindi lang bumalik sa past kung hindi ang bumalik at mag- stay sa past.

Hindi mo sigurado ang mangyayari sa future. Malay mo pumunta ka doon tapos nasa ospital ka na pala at comatose. Wala ka ng magagawa. At least sa past alam mo na ang nangyari at pwede mo pa baguhin in your favor.

Ayoko din naman ng present ko kaya dito na lang ako.....Pero kaya nga ako bumalik para baguhin ang past ko at magustuhan na ang present ko.

Aish! Nakakainis!

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at marahas na ginulo iyon.

Umiiral na naman siguro ang pagiging clingy ko.

"Oh, anong drama 'yan?" saka umupo si Kath sa tabi ko. Inilapag niya ang kanyang plato na may pagkain sa round table na nasa harapan namin.

Agad naman akong napaayos ng upo saka sinuklay gamit ang kamay ang sabog- sabog ko ng buhok. Umakto na lang akong hindi narinig ang sinabi niya at tiningnan ang mga tao sa paligid.

Maraming tao sa party ni Kael at nagmistulang ingay ng bubuyog sa tainga ko ang mga kwentuhan nila. Hindi na nga mapakinggan iyong bandang tumutugtog.

Halos lahat ata ng tao sa bayan namin ay inimbitahan ng mga magulang niya. Hindi ko nga alam kung ang party ba na ito ay para i- celebrate ang pagka- salutatorian ni Kael o para lang maka- pangampanya ang Daddy niya. O baka naman parehas, hindi ko alam na tipid din pala ang parents niya. Hitting two birds with one stone, gano'n.

Maya- maya pa ay nagsilapitan na din ang iba ko pang mga kaklase. Hindi na sila nakasuot ng toga at mga naka- casual na lang gaya ko na naka- blouse na violet, maong pants at sandals.

Mga bigatin din ang mga tao sa paligid. Halos lahat ay pamilya ng mga politiko at mga nagtatrabaho sa munisipyo, mga taong may koneksiyon sa mga magulang ni Kael.

"Oh, tayo lang?" sabay lapag ni Francine ng plato niya sa lamesa.

Inilibot naman ni Paula ang paningin sa buong garden pagkaupo niya para hanapin ang iba pa naming mga kaklase.

Sila Francine, Paula, Kath, Tori, Francis, Ian, Veron at Shaina lang kase ang lumapit sa table. Baka paparating pa lang iyong iba o baka naligaw na.

Sa dami ng tao at sa lawak ng garden ay imposibleng magkahanapan kami rito. Mabuti na lang at nakita kami agad ni Kael sa may gate nila pagkarating namin kaya siya ang nagdala sa akin sa table na ito. Nauna kasi sila Kath, Tori at Shaina. Sila Mama naman ay nasa katabing table lang din namin.

"I- gm niyo nga," utos ni Francine habang nilalantakan na ang spaghetti sa plato niya. "Sabihin niyo nandito tayo malapit sa buffet."

Kahit walang pangalang binanggit si Francine ay awtomatikong inilabas ni Kath ang kanyang cellphone para sundin ang utos nito.

"Hala, nakalimutan ko ang polbo ko," natatarantang sabi ni Tori habang may hinahanap sa sling bag niya. "Sinong may polbo sa inyo?" tanong niya na para bang gamot ang kanyang hinahanap at mamamatay siya kapag wala pang naglabas ng polbo sa amin.

Restart Senior High [Completed] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon