Chapter 1

1.2K 35 8
                                    

Jemisha's P. O. V.

Matapos kong masaksihan ang tunay na nangyare sa Mama ko ay binasa ko ang mga papeles na naka-ipit sa loob ng photo album. Wala akong nagawa kundi mapaluha. Hindi ko akalain na pumayag si Lola sa ganito.

Walang kalaban-laban si Mama habang nire-rape siya ng tatlong hayop na lalake. Ilang taon na ang lumipas pero ngayon lang ako namulat sa ganito. Paanong nagawa nila kay Mama 'to? Para akong dinudurog habang napapanood ko ang paunti-unting pagkamatay ni Mama habang pinaglalaruan ang kaluluwa niya.

Namatay si Mama... Sa kamay ng tatlong hindi ko kilalang mga lalake. Pero nang mabasa ko ang nakapaloob sa papeles ay nawalan ako ng muwang sa aking lola.

Pumayag si Lola makipag-areglo sa tatlong artista na pumatay kay Mama. Kapalit ang habambuhay na financial kay Lola at sa akin. Pinagpalit niya ang buhay ni Mama sa pera? Hindi nabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni Mama sa ginawang desisyon ni Lola.

"T-T*ngina..."

Napahawak ako sa dibdib ko habang nililigpit ang mga ebidensiya. Sinarado ng korte ang kaso ni Mama dahil sa desisyon ni Lola. Hindi ko alam kung pwede ko pa bigyan ng hustisya si Mama.

Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ang CD mula sa DVD. Binalik ko ang lahat sa kahon at saka tumakbo sa kwarto ko para ilagay ang mga ito sa drower.

"Hindi ako papayag. Kailangan kong malaman kung nasaan ang mga hayop na 'yon!" sigaw ko at nagtungo sa computer ko.

Hinanap ko sa social media ang mga artista na ngayon ay nasa 30's na. Binasa ko ang lahat ng artikulo tungkol sa kanila.

Rico Fernando, artista na may tatlong anak. Hiwalay sa asawa. Tinignan ko pa ang mga pangalan ng kaniyang mga anak. Nagulat ako nang makita roon ang tarantadong host na si Yajh.

"A-Ang malanding 'yon," bulong ko at napaawang ang labi ko.

Isang linggo niya akong tine-text araw-araw pero bigla na lang siyang naging cold at hindi na sumasagot sa mga tawag at text ko. Hindi ko akalain na tarantado rin pala ang ama niya.

Naghanap pa ako ng maraming impormasyon tungkol sa kanila hanggang sa tuluyan na akong makatulog.

************

Naririnig ko ang boses ni Mama. Sumisigaw siya at nanghihingi ng tulong. Agad akong tumayo at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang sarili ko sa silid na katulog ng napanood ko sa video.

Pakiramdaman ko ay totoo ang nangyayare na ito at sobrang naaawa ako kay Mama. Mabilis ko siyang nilapitan. Hinila ko ang buhok ng isang binata at tinulak ito. Hinampas ko ng malakas ang isang lalake sa kaniyang likuran.

"TAMA NA!" sigaw ko.

Narinig ko ang mala-demonyong tawa ng mga lalake na para bang hindi sila nasasaktan sa mga ginagawa ko.

"Tulungan mo ako!" sigaw ni Mama habang nakatitig sa mga mata ko.

Napahawak ako sa ulo ko at napasigaw ng malakas. Wala akong nagawa kundi ang lumuha. Hanggang sa mahagip ng mata ko ang mga kahoy sa gilid ng silid. Kinuha ko ito at hindi ko napansin na may pako iyon sa dulo.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon