Rigel's P. O. V.
Nakaramdam ako ng matinding takot dahil sa ginawa ni Jemisha. Unti-unti na siyang lumabas ng kaniyang kwarto. Nanginginig naman ang kamay kong sinubukang paandaring ang kotse ngunit nakita kong lumabas si Jemisha sa kaniyang bahay. Hawak pa rin nito ang kutsilyo.
"F*ck!" bulalas ko.
Bigla namang hinampas ni Jemisha ang bintana ng kotse ko. Saktong bumukas ang makina ng sasakyan ko. Tumakbo si Jemisha sa harapan ng kotse at saka tinutok ang kutsilyo sa kotse ko.
"Tatakbuhan ba talaga kita?" bulong ko.
Ngayon alam ko na, ito pala ang tunay na Jemisha Mallari, ang babaeng kinababaliwan ko, may mga kakaiba pa lang ginagawa. Na kahit bantayan ko siya, hindi ko pa rin nakikilala ang buong Jemisha.
Pinatay ko ang makina ng sasakyan ko at binuksan ang pinto ng kotse ko. Hinayaan kong lumapit sa akin si Jemisha. Napapikit ako at naghihintay ng gagawin niya dahil may hawak siyang kutsilyo.
"Kaya ayokong malaman mo 'to. Ayokong madamay ka," aniya.
Napadilat ako. Hinigit niya ang braso ko at tinusok sa aking beywang ang kutsilyo. Napatitig ako sa kaniya.
"Napakaganda mo pa rin kahit nababahiran ka ng dugo."
"Stop mocking, Rigel!" aniya.
Pumasok kami sa kaniyang bahay. Kinandado ni Jemisha ang pinto at ako naman ay itinaas ang dalawa kong kamay para ipakita sa kaniya na wala akong intensyon na lumaban pa sa kaniya.
"Akyat sa kwarto! Now! Faster!" sigaw niya habang nakatutok sa akin ang kutsilyo.
"Why are you doing this? May gusto bang manakit sa 'yo? May nanakit ba sa 'yo? Tell me. I will do everything to help you--"
"Shut up! Walang ibang tutulong sa akin kundi ako lang, sarili ko lang. I don't trust anyone and I don't need anyone to help me!" sigaw niya.
"I never thought of you, holding a knife, full of blood," ani ko habang naglalakad paakyat ng kwarto.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang susi na pinasok nito sa keyhole ng podlock ng kwarto ng kaniyang lola.
Finally, malalaman ko na kung anong laman ng kwarto na ito. Kung ano pang tinatago niya...
"Why aren't you running?" tanong bigla ni Jemisha nang matanggal niya ang podlock.
"Papatayin mo rin ba ako?"
"Paano kapag sinabi kong, oo." Tinutok niya sa leeg ko ang kutsilyo dahilan para mapaatras ako.
Patuloy si Jemisha sa pag-abante. Hanggang sa maramdaman ko ang malamig na pader sa aking likuran. Napalunok ako ng sarili kong laway. Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa takot at kaba.
"Jemisha, this is not who you are, I can help you, just tell me what happened, I am a law student--"
"Bullshits! Rigel. Tanginang batas 'yan. Yung mismong batas ang hindi patas, Rigel!"
Hinila niya ang polo ko at nagulat ako nang ipasok niya ako sa kwarto ng kaniyang lola. Nanindig ang balahibo ko sa takot nang makita ang mga mukha ng sikat na artista na nabalitang namayapa na. May mga krus na kulay pula sa kanilang mga mukha at napakadaming articles ang nakadikit sa pader.
Inupo ako ni Jemisha sa isang silya at nagulat ako nang bigla kong marinig ang tunog ng posas. Noon ko napagtanto na nalagyan niya ng posas ang dalawa kong kamay at nasa likod ko ito.
Yumuko siya para lagyan ng tali ang aking paanan ko. Napatitig ako sa kaniya.
"Kung ikaw ang papatay sa akin. Matatanggap ko," ani ko.
"Papatayin talaga kita. Hindi ako pwedeng makulong hangga't hindi ako nakakapaghiganti," aniya.
Napakunot ang noo ko.
"Paghihiganti? Saan? Kanino? Jemisha, tell me. You can trust me, I am here now--"
"Shut the f*ck up, Rigel."
Kumuha siya ng lipstick sa kaniyang drower at kitang-kita ko ang ngiti sa kaniyang labi habang dahan-dahan nitong ginuguhitan ng pa-krus ang mukha ng modelo na si Fred.
"J-Jemisha... A-Anong ibig sabihin niyan?"
"Hindi pa sila kumpleto, kailangan ko makumpleto. Kaya kapag tumakas ka, papatayin kita," aniya at binalik ang lipstick.
I can smell it. It's the favorite lipstick of Jemisha.
"What did you do?" tanong ko.
"I killed everyone with a cross line of my lipstick," aniya.
"W-What? W-Why?"
Pinipigilan kong matakot sa kaniya. Si Jemisha ito, hindi ibang tao pero sa nakikita ko ngayon parang hindi siya ang Jemisha na nakilala ko.
"They made a crime..."
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Jemisha, bigla itong lumungkot. Gusto kong malaman, ano ang dahilan. Bakit siya nagkakaganito.
"What crime? Bakit hindi sila nakulong--"
"I told you, law is not giving justice. Law? Ginagawa lang nitong baliktad ang lahat, nililinis ang pangalan ng taong gumawa talaga ng kasalanan. Justice is bullshits when it's about law. When it's about the court. Money? F*ck money. I want justice!" sigaw niya.
Akmang lalabas na siya. Sinubukan kong kumawala sa pagkakatali ko pero hindi ako makaalis at sumakit lamang ang balikat ko dahil sa kamay kong nakaposas.
"But crime isn't the answer for a crime. Hindi maso-solve ng krimen ang isa pang krimen, Jemisha, wake up!" sigaw ko.
"You're loud."
Nagulat ako ng bumalik ito sa akin. Napapikit ako dahil sa pwede nitong gawin at wala akong laban. My heart skipped a beat. I felt a tape on my mouth. She covers my mouth, but she didn't kill me. Why?
Lumabas na siya ng kwarto. Isinarado niya ang pinto. Narinig ko ang paglo-lock niya sa kandado. Nanlaki ang mga mata ko, tuluyan na akong makukulong rito sa loob ng nakakatakot na kwarto. Although bukas ang ilaw sa maliit na lamp. It's still dark. But not dark enough to read the articles.
Sinubukan kong igalaw ang mga paa ko. Tutal naapakan ko naman ang sahig ay pilit kong hinihila ang sarili ko. Dahan-dahan patungo sa mga nakadikit na papel sa pader. Napatingin ako sa mga litrato. Ang ilang ay kilala ko, pero ang iba ay hindi ko kilala.
I remembered a news about Yajh, he's missing. Mayroon itong cross ng lipstick sa litrato nito, ibig sabihin ay si Jemisha ang pumatay sa kaniya? Tama ba ang iniisip ko?
There's still so many questions, roaming on my mind. I need answers. Kailangan ko kumilos. Hindi pwedeng papayag akong magiging ganito rito.
Sinubukan ko itaas ang kamay kong nakaposas ngunit tuluyan akong na-out of balance.
I fell.
***************
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.