Chapter 38

301 14 6
                                    

Rigel's P. O. V.

Nagmamadali akong magmaneho patungo sa building kung nasaan si Jemisha. Malakas ang tibok ng puso ko. Ang dami kong nabalitaan tungkol sa kaso ni Fred Dial, dahil sa kasikatan nito ay nag-iingay ang social media fans niya. I am scared that maybe, Jemisha didn't clean the scene so well.

Pagdating ko sa building ay pinapasok ako ng guard dahil kilala nila akong bodyguard ni Jemisha. Nakita ko si Jemisha sa dulo ng mga upuan nakayuko ito at hawak ang isang libro at folder na may makapal na printed bond papers.

"MISS JEMISHA!" tawag ko at mabilis na naglakad patungo sa kaniya.

Nang i-angat nito ang tingin niya sa akin ay napansin ko ang pamumutla niya, kitang-kita sa kaniyang mukha, bagamat natatakpan ng lipstick ang kaniyang labi, kilala ko ang mukha ni Jemisha.

"Kailangan na po nating umalis," ani ko dahil napansin ko ang paninitig ng ilang artista sa akin.

"H-Ha?" takang tanong ni Jemisha.

"Late na po kayo sa schedule niyo," ani ko at inagaw sa kaniya ang sling bag niya para lang tumayo na siya.

"Let's go," bulong ko.

Tumango siya at tumayo. May ilang artistang babae ant nakipag-beso-beso pa sa kaniya bago kami tuluyang makalabas.

May isang gwardiya ang humarang sa amin nang akmang lalabas na kami ni Jemisha sa building.

"Hindi pa po dumarating si Direc--"

"She have an urgent meeting, so please, excuse us," ani ko.

Tumango ang guard at para bang napahiya kaya wala itong nagawa kundi umatras at pagbuksan kami ng pinto. Hinawakan ko ang braso ni Jemisha. Nanlalamig siya.

"Hop in," ani ko ay pinagbuksan siya ng kotse.

Pumasok naman ito sa passenger seat. Napatingin ako sa paligid, iilan lang ang tao sa labas. Pumasok na rin ako sa driver's seat at binuksan ang makina ng sasakyan.

"Jemisha... Are you okay?" tanong ko.

"I'm scared."

"Halata naman. Everything has a consequences, Jemisha," ani ko.

Napatitig siya sa mga mata ko. I can see her fears. She did it because of anger, I know that's not her real personality.

"Someone's controlling you, for killing them," ani ko at hinawakan ang pisngi niya.

"W-What?" tanong niya.

"This is you, Jemisha. You're scared. That's what Jemisha really felt. Afraid of being caught because someone in your body, keeps on killing," ani ko.

Hinalikan ko ang kaniyang noo at napayakap siya sa akin. Alam kong nahihirapan siya, living alone can make you depressed, even worst, it can make you crazy.

"Just avoid it."

"Sino?" tanong niya at humiwalay sa pagkakayakap ko.

"The one who's controlling your mind and body to kill people," ani ko.

"And who's that?"

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon