Chapter 9

453 18 18
                                    

Jemisha's P. O. V

Masaya akong makita na hindi nagte-take advantage si Diether sa akin kahit na nagtabi kami matulog. Nang matapos ang shooting namin. Nag-pack-up na ang aming grupo. Inaayos pa nila ang new destination, as usual. Weekends ang shooting namin. Dahil may sasakyan namang kotse si Diether ay sa kaniya na lang ako sumakay pabalik ng Manila.

Nagulat ako nang siya ang nagbubuhat ng mga gamit ko gaya ng maleta. Siya rin ang naglagay nito sa kotse niya. Nagawa niya pa akong pagbuksan ng pinto sa passenger seat.
Ayokong maawa, ayokong makaramdam ng awa sa kaniya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa ng kaniyang ama.

Simula nang mapanood ko ang nangyare sa Mama ko, hindi na ako kahit kailan, makaramdam ng awa, lalo na sa taong kagaya niya. Kadugo niya, ang pumatay sa Mama ko. Bunga ng kasalanan. Buhay para sa buhay ang taya rito.

"Babe, kanina ka pa tahimik," ani Diether.

Bigla akong nagising sa ulirat ko, nasa byahe pa rin kami. Ilang oras na kaming bumabyahe at malapit na rin kaming makabalik ng Maynila.

"Gutom siguro ako," sabi ko na lang kahit hindi totoo.

"Babe, ano bang gusto mong kainin? Never ko pa natanong kung saang fast food ang paborito mo?" aniya.

"Hindi naman kasi ako maarte sa pagkain, I eat whatever we have, or served. Tinuro sa akin 'yon ng Mama ko," sabi ko.

"I hope you'll be more comfortable telling me stories about your Mom, I mean, hindi kita pipilitin pero willing ako makinig sa 'yo," aniya.

Ngumiti ako at tumingin sa kaniya. Mukha ngang nakuha ko na ang loob niya ng tuluyan. Pu-pwede na akong tumuloy sa next step, ang patayin siya.

Kumain kami ni Diether sa isang fast food chain, sandali lamang iyon dahil kailangan na rin naming umuwi at may pasok bukas dahil lunes.

Nang maihatid ako ni Diether sa amin ay naghanda na ako, nag-ayos na ako ng mga gamit ko at saka naglinis ng bahay. Kinuha ko ang susi ng kwarto ni Lola. Dahan-dahan ko iyong binuksan at nakita ko ang mga litrato ng mga pumatay kay Mama.

"Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi kita nabibigyan ng hustisya."

*************

Hindi makakapasok ngayon si Diether, tendency, hindi niya ako susunduin. Commute ako ngayong papasok sa school. Hindi ko naman maiwasang hindi maka-encounter ng fans na nagpapa-picture.

"Ang init," bulong ko.

Huminto ang grab sa kanto kung saan ako naghihintay. Nagulat ako nang isang lalake ang humawak sa pinto ng kotse. Hinawakan ko ang pinto at pinigilan siyang makapasok.

"Excuse me, this is my taxi---sh*t!"

Napahinto ako nang makitang siya ang lalakeng nakatira sa unit 288.

"I-Ikaw na naman?" walang gana niyang sabi at tila ba naiirita sa akin.

"Bakit ba palagi kitang nakikita? Taxi ko 'to!"

"Hanggang ngayon nang-aangkin ka pa rin ng mga bagay na hindi naman sa 'yo," aniya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Napakatapang naman niya? Kung sagut-sagutin niya ako ay akala mo hindi ako artista. May malaking pangalan rin naman ako sa industry!

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon