Jemisha's P. O. V.
Nakatitig ako sa maliit na bintana kung saan kitang-kita ko ang bilog na buwan. Patuloy lamang sa pagtulo ang mga luha ko habang pilit kong pinipigilan ang sarili ko na masaktan sa nangyare kanina, sa sinabi ni Rigel.
"Ipinagkaila mo ako, Rigel."
Napayakap ako sa dalawa kong tuhod habang lumuluha. Inaalala ang bawat sinabi niya noon pa man, na tutulungan niya ako sa lahat, na kahit kailan ay hindi na ako magiging mag-isa dahil kasama ko na siya.
"He promised... W-We are partners in c-crime..." bulong ko sa pagitan ng aking paghikbi.
Buong gabi akong umiiyak hanggang sa tuluyan na akong makatulog nang hindi ko man lang namamalayan.
*************
Rigel's P. O. V.
Lumapit ako sa isang pulis matapos nilang kuhanin ang statement ko.
"Sir, pwede ko bang malaman kung sino ang may-ari ng drone?" tanong ko.
"Ayon siya, dinala niya rito ang drone bilang ebidensya laban kay Jemisha. Mabuti pang magpahinga na kayo, sa mga kaso niyo ho kasi maraming nade-depress dahil mamamatay tao ang asawa nila," ani ng pulis.
Napatingin ako sa babaeng naka-suot ng grey na t-shirt at pants. Nakasuot ito ng salamin at walang kolorete sa mukha.
"Mr. Rigel Staverton, ihahatid na po namin kayo."
Limang pulis na may kasamang sundalo ang lumapit sa akin.
"Hindi na--"
"Utos ho ito ng magulang mo, para ihatid ka sa mansion niyo, gagawin lang namin ang trabaho namin para masiguradong ligtas kayo," aniya.
"O-Okay. By the way, bukas ng umaga lilitisin si Jemisha, tama ba?" tanong ko.
"Yes, sir."
Naglakad na kami palabas at inihatid na nila ako sa bahay. Nanatili akong tihimik at nakatulala lamang.
***********
Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mommy at Daddy, alalang-alala ang itsura nila. Niyakap nila akong bigla. Nanatili akong walang kibo at hindi nagpapakita ng emosyon sa kanila.
"How come she's a murderer?" mahinahong tanong ni Mommy.
"I-I don't--"
"You're a soon to be a lawyer and dating a criminal?" tanong ni Dad.
Little did they know? I am a murderer too. I am just doing what's best for Jemisha. Kagaya ng ginawa niya, hindi rin ako papayag na hindi makakaganti sa nakagawa nito sa kaniya.
"Mom, Dad, hayaan niyo na magpahinga si Rigel. I know it's been a tough day for him. Lots of revelations, he lost his love one, Dad."
Napatingin ako kay ate. Ngumiti lamang siya ng tipid sa akin saka tinalikuran ako. Rinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ni Mom.
"Go, get some rest. May bukas ka pang haharapin, ang korte. We need to accept the fact that she's gonna be in jail for lifetime and you'll overcome it. There's a lot of woman, Rigel. Yung hindi mamamatay tao," ani Dad.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.