Chapter 24

299 19 15
                                    

Rigel's P. O. V.

Nang makababa si Jem sa kotse ko ay hindi na siya makatingin sa mga mata ko. Napansin kong naging balisa siya, mula pa kanina nang lumabas siya sa studio ng photoshoot nila. Gusto ko itanong, nakakapagtaka pero bakit may bumabagabag sa akin na ako dapat mismo ang makaalam ng mga bagay-bagay tungkol sa kaniya.

"Why does it feels like you're hiding something, kahit ba magkasama tayo buong araw," bulong ko.

Nag-drive na ako palabas ng kanto ng subdivision ni Jem. Nag-park ako sa isang saradong store saka binuksan ang cellphone ko. Pumunta ako sa camera.

I want to see what she's doing. Maybe I should put camera everywhere, pero saan? Kailangan yung hindi niya mapapansin. I need to come to her house to figure it out. Another thing is the door with a lock. What's in there? Money? Secret passage? Secret scandals? Mababaliw ako kakaisip. Maybe my friend is right. I am obsessed.

Naalerto naman ako nang pumasok siya sa kwarto niya. Kita kong hinubad niya ang damit nito at hinagis sa study table. She sat down and removed her shorts.

The f*ck, she's half naked. All I can say is she really got a nice body shape. Ang kinis pa ng katawan niya. Hindi ako papayag na mahahawakan siya ng ibang lalake. It will only be me, ako lang ang pwede.

"One day, you'll be mine," bulong ko.

Tumayo na ito at nakita kong kumuha siya ng towel. She entered the bathroom. I bet she's tired already.

Pinatay ko na ang cellphone ko at saka nag-drive pauwi sa amin. Kahit ba kakatuto ko lang mag-drive, pakiramdam ko magaling na akong driver. Well, I'm genius enough to handle this kind of things. Mabuti na lang at mabait sa akin si ate, also my parents, they let me do whatever I want.

Pag-uwi ko sa bahay ay naririnig ko na ang patugtog ng ate ko mula sa DVD. Napakalakas nito. Malakas rin naman ang loob niyang magpatugtog dahil malawak ang bahay namin kung saan hindi maririnig ng kapit bahay ang patugtog niya.

"You betrayed me!" sigaw ni ate mula sa kusina.

Nang hubarin ko ang sapatos ko ay lumakad ako patungo sa DVD saka ito hininaan.

"Hoy! Ano ba? Epal," ani ate Astraea.

Nakita ko siyang may hawak na baking pan at may suot na gloves, mukhang masarap at bine-bake niya.

"Ang lakas ng volume. Nakakabingi," sabi ko at lumakad papalapit sa kaniya.

Kita ko naman ang binebake niyang cinnamon rolls. Umaamoy ito at sobrang bango. Gumagaling na mag-bake si ate. Mukhang mag-aasawa na.

"You know naman, I love singing--"

"Kahit panget boses mo?"

Padabog niyang ibinaba ang plato na kinuha niya saka malalim na bumuntong hininga sa akin.

"Kakaiba talaga mamwisit ang mga cold person, you know, nakakagigil sila. I want to punch you in the face--"

"According to article--"

"Hoy! Discrimination kaya 'yong sinabi mo sa akin about singing, you little demon," aniya at inirapan ako.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon