Jemisha's P. O. V.
Nang matapos ko ang ilegal na gawain ko ay napagpasyahan kong magpahinga na, habang paakyat ako sa kwarto ko ay napatingin ako sa kwarto ni Lola.
Kinuha ko ang susi mula sa wallet ko at saka ko binuksan ang kandado. Naglakad ako patungo sa drower at saka kinuha ang paborito kong lipstick. Dahan-dahan ko itong binuksan. Lumapit ako sa printed copy ng mukha ni Yajh.
"You're dead, in my own hands," bulong ko at ginuhitan ng malaking ekis ang litrato niya.
Gumuhit ang ngiti sa labi ko. Sa wakas, wala akong maramdaman kundi saya, makikita ko sila na nagmamakaawa sa akin.
Binalik ko na sa drower ang lipstick at saka ako lumabas. Ni-lock kong muli ang pinto at saka ako pumasok sa kwarto ko.
"Sana hindi sumingaw ang baho ng katawan niya," bulong ko habang tinatanggal ang ipit ko sa buhok.
Naupo ako sa harapan ng malaki kong salamin at kinuha ang brush na regalo pa ni Mama sa akin noong bata ako. Yes, buhay pa ang suklay na ito at iniingatan ko itong mabuti. Binili ni Mama 'to gamit ang perang pinag-paguran niya.
It has a gold made figures of cosmetics in the handle and back of it. Dahil nga mahilig kami ni Mama sa make-up, of course she's an artist. Now, I am. I am obsessed with lipstick.
"Wow, you are Jemisha," pagkausap ko sa sarili ko sa salamin. "You are known as the young, successful, beautiful actress. Pero hindi nila alam, kung ilang tao na ang napatay mo."
Huminto ako sa pagsusuklay nang tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ito. It's a message from ate Astraea.
{Come to my party tomorrow evening at 7 pm. It's my 20th birthday, hope to see you there. It's me, Astraea}
I looked around thinking what should I wear. Kailangan ko magmukhang disente na maganda, lalo na at naroon si Rigel. Hindi ko pa rin mabasa ang isipan niya.
Tumayo ako para tumingin sa closet ko. Nakakita ako ng perpektong dress para sa evening birthday.
**************
Ngayong gabi ang celebration ng birthday ni ate Astraea. Sumakay lang ako sa cab dahil wala pa akong sariling kotse, I don't want to use my motorcycle, I have to look beautiful and naive.
"Good evening, Ma'am!" salubong ng isang lalake na naka-formal suit.
Nanlaki ang mga mata ko sa mansion nila na nagmistulang Christmas tree sa dami ng pailaw. Puno ng flowers, may pa-red carpet sa path walk. Habang naglalakad ako ay napansin ko ang dami ng mga tao. They stopped talking and starts starring at me like I did something wrong--well yeah, I killed people.
"Jemisha? Is that you?" nang marinig ko ang boses ni ate Astraea ay ngumiti ako.
May kausap siyang tatlong babae habang may hawak na wine glass. Iniwan niya iyong tatlo para lapitan ako. Napangiti naman ako sa kaniya at bineso-beso siya.
"Yes, ate!"
"I'm glad you came, you look stunning on your dress. It's a silver, shinning fitted dress, wait, is it also backless? Ang ganda!" aniya
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Misteri / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.