Chapter 7

561 15 8
                                    

Jemisha's P. O. V.

Ngayon ay nakarating na kami sa hotel kung saan kami mag-stay para sa shooting ng aming programa sa telibisyon. Nang bumaba kami ng van ay hindi ko akalain ang dami ng taong makakakilala sa amin at sasalubong para batiin kami.

"Ang daming nagpa-picture sa atin, nakakatuwa!" ani Gabriella Garcia na kasama ko ngayon para sa shooting.

Hinila ko na ang maleta ko papasok sa elevator. Habang siya ay may kasamang personal assistant. Hindi ko na kasi pinapunta si Chloe tutal bukas naman ay pupuntahan ako ni Diether, hindi raw ubra tonight dahil sa demonyo niyang tatay na may meeting kasama siya, business matter.

"Oo nga, unexpected," sabi ko kay Gab.

Sumara na ang elevator. Pinanood ko si Gab na kumuha ng powder sa kaniyang handbag. Naglagay siya sa eyebags niya. Mukhang ang kapal ng make up niya. Mabuti na lang ako, pinanganak na maganda.

"Let's go," ani Producer.

Nasa ika-walo kaming palapag.

"Okay, tig-isa lahat ng kwarto for privacy na rin. Magkakatabi lang ang kwarto nating lahat so I'm expecting na madali kayong katukin para bukas. 6 am sharp dapat nakabihis na kayo," ani assistant director.

"Yes, Madam!"

Lumakad na ang ibang staff at sumunod ako. Ang mga camera man ay dumating dala ang malaking bagahe na laman ay camera at iba pang gamit para sa shooting.

"Room 233, Jemisha Mallari," tawag sa akin ng staff.

Lumapit ako para kuhanin ang hawak niyang susi.

"Salamat," sambit ko.

"Script! Script!" sigaw ng assistant manager.

Bida-bida talaga ang babaeng 'to palagi na lang mainit ulo kaya walang asawa 'to kahit matanda na! Kainis!

"Ibigay na 'yan!" aniya pa.

Mabilis na kumilos ang mga staff para ibigay ang makapal na papel na nakalagay sa isang folder. Naroon pala lahat ng documentary na sasabihin namin. Pwede naman mag ad lib.

"Okay, everything is now under control. You may rest now," ani Producer.

Lahat kami ay nagkanya-kaniya nang pasok sa aming kwarto. Nanlaki naman ang mga mata ko sa keypad ng pinto, tinignan ko ang hawak kong susi, mayroon pa lang kasama na key card. Ang daming access, pwede ka maglagay ng password, susi, or keycard. Ang yaman naman ng hotel na ito.

Nag-set ako ng password.

November 15, 2002.

"11,15,02," bulong ko.

Napangiti ako nang tumunog ang pinto, ibig sabihin ay okay ang ginawa ko. Pumasok na ako sa kwarto. Namangha ako sa paligid.

Hindi malaki, hindi rin maliit. Mayroong side na mini kitchen. Microwave, maliit na refrigerator, sink, cabinets.

Nilagay ko sa tabi ng queen size na kama ang aking maleta. Malambot ang gamit na bedsheet sa kama gayon din ang kumot. Dalawang malaking unan at may high class na aircon. Nakita ko ang remote ng aircon kaya binuksan ko ito. May lamp na malaki sa side table. May flat screen tv na nasa tapat ng kama. Katabi noon ay isang malaking salamin saka cabinet. Patungan ng mga gamit.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon