Chapter 41

275 15 5
                                    

Jemisha's P. O. V.

"HELP!" I shouted.

Tinanggal ko ang heels ko at naglakad ng nakaapak. Lumabas ang isang security guard at nilapitan ako nito.

"Guard! Help me, please. May lalakeng sumusunod sa akin, baka masundan niya ako, please kailangan ko magtago, natatakot ako!" ani ko at pinilit na tumulo ang luha ko.

"Anong kaguluhan ito?" narinig ko na ang boses ni Mr. Fernando.

"Mr. Rico Fernando?" ani ko.

Sinuot niya ang kaniyang salamin na nakasabit sa kaniyang damit. Lumapit ito sa akin.

"Jemisha Mallari, is that you?" tanong nito.

"Y-Yes, sir. I need help. Please let me in," ani ko.

"S-Sure, what happened?" tanong niya.

Hinawakan ko ang braso niya at tuluyan na akong pinapasok sa bahay nila. Mabuti naman at gising pa siya. Napansin kong may alak sa table sa labas, kaya siguro niya narinig ang sigaw ko.

"Sorry to interrupt you--"

"No, it's okay. Anong problema, bakit ka sumisigaw?" tanong niya.

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at inupo sa couch nila.

Nasaan ang mga maids? Kailangan kong makuha ang atensyon nilang lahat.

"A-Actually, sir..." Napahagulgol ako.

Isang maid ang lumapit sa akin para abutan ako ng tissue.

"M-May humahabol sa akin, takot na takot ako!" ani ko.

"Sino naman? Did you recognize him?" tanong nito at hinawakan pa ang pisngi ko.

"Actually, I am so scared. Mr. Fernando, nakasuot siya ng red hoodie, napakabilis niya maglakad. Kanina niya pa ako inaabangan sa labas ng club and--"

"Galing ka sa club? You're an artist, he must be a stalker. I mean, a woman like you, impossible na walang mabaliw sa ganda mo, sa talent mo, everything about you. Did you see his face? I will call a cops--"

Akmang kukuhanin na niya ang kaniyang cellphone pero mabilis kong hinablot ito.

"No! Sir please. Hindi pwedeng may makaalam na galing ako sa bar. Masisira ang image ko," ani ko.

Napabuntong hininga siya.

"You're right."

"Hindi ko rin nakita ang mukha niya. But I swear he is a boy... Wait, am I too loud? Tulog na ba ang mga tao rito?" tanong ko.

"Y-Yeah, actually... My 14 year old daughter is sleeping and my 10 year old too."

"What about the maids?" tanong ko pa.

"I bet they're sleeping too, it's already midnight."

"W-What? Midnight na!?" gulat kong sambit at napahawak pa sa bibig ko.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon