Chapter 40

294 13 10
                                    

Jemisha's P. O. V.

Kasama ko ngayon si Soheila para magpasa ng requirements sa university. As usual, bago ako tuluyang makapasok sa Dean's ay haharangin muna ako ng sobrang daming mga estudyante para lamang magpa-picture.

"Wait! Babalikan namin kayo, magpa-pass lang kami ng requirements! Calm down, guys!" sigaw ni Soheila sa mga students.

Halos lahat kasi ng humaharang ay mga nasa lower grades. Mahaharot, malilikot, ilang beses na akong nasasanggi at nasisiko.

"Wait lang po!" ani ko at tuluyan na kaming nakapasok sa Dean's office.

Nang maisara namin ni Soheila ang pinto ay nagkatitigan kami at nagtawanan. Bigla ko namang naalala ang minessage niya sa akin.

"Pumayag ka ba sa agency?" tanong ko.

"Ayoko mag-model," aniya at nagpunas ng pawis niya.

Mabuti na lang at air-conditioned dito sa loob ng office, kaso may tao pa sa loob at kailangan namin maghintay na papasukin kami ng secretary.

"Masaya maging model, ang ganda mo at sexy kaya pwedeng-pwede ka," ani ko.

Umupo siya sa waiting area. Tumabi naman ako sa kaniya.

"Alam mo, talent kasi yung pagiging model. I don't even know how to pose and smile properly. Although sabi mo nga, maganda 'tong mukha na 'to, but this isn't meant to be in billboard," aniya.

"Masyado mo namang dina-down sarili mo," ani ko.

Umiling siya.

"Ayoko lang talaga, gusto ko mag-focus sa company namin. Saka si Mr. Culinary, seloso," aniya.

Mahina akong natawa.

"Kailan mo ba kasi sasagutin si Mr. Culinary, lahat na ata ng putahe sa buong mundo naluto na niya para sa 'yo," ani ko at tumawa.

"I don't feel kasi na it's a right time. I mean, kapag sinagot ko siya mas magiging mahigpit ang schedule ko dahil I need to make time for him. You know naman how competitive my siblings are," aniya.

Napailing ako.

"Tama ka, balita ko running for Cum Laude si Ciel, how about Magnus?" tanong ko.

"He's planning not to study. In-enroll lang siya ni Mommy, napilitan pumasok this school year," aniya.

"Sakit sa ulo ng kapatid mo ha," ani ko.

"Yeah, tapos dahil favorite nila Mommy si Magnus, palaging pinagbibigyan kaya hindi nawiwili. He never stopped drinking alcohol and playing billiards."

Bigla namang lumabas ang secretary ng Dean's. Nang makita ako ng students na nasa loob ay napatakip sila sa bibig nila. Ang isa naman ay lumapit sa akin saka ako kinamayan.

"O. M. G! Congratulations po, you're soon to be bride, right?" aniya na parang ka-age ko lang.

"Yes, thank you so much!" ani ko.

"Ang ganda niya."

"Napakakinis niya talaga, effective kaya 'yong whitening products na ine-endorse niya?"

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon