Jemisha's P. O. V.
Nang i-check ko ang cellphone ko ay napakaraming missed calls ni Soheila, paniguradong nag-aalala na siya sa akin. Hindi ko naman siya ma-seen, iisipin niyang nabasa ko pero hindi ako nag-reply, kung ang totoo ay hindi ko alam ang sasabihin ko sa kaniya.
"Jem, wala pala sila Mom and Dad today. Just wait here, kukuha ako ng pwede mong ipantulog," ani ate Astraea.
Ang bait niya, matanong nga lang. Baka madulas pa ako kapag kausap ko siya.
"Opo, salamat po," sabi ko.
Nakita ko namang pumasok si Rigel sa isang pinto, nanlaki ang mga mata ko sa gold na doorknob nito, grabe, ang mamahalin siguro ng mga gamit dito.
Nag-usisa ako. Lumakad ako patungo sa isang sliding door. Nagulat ako nang makita ang isang katulong na nagsisiga sa isang malaking can. Napatingin ako sa sapatos ko.
"Miss Jem, maghahanda na ho ako ng pagkain, mayroon po ba kayong gustong kainin?" tanong ng isang matanda.
Napangiti ako, naalala ko bigla si Lola, palagi niya rin akong tinatanong kung anong gusto kong kainin.
"Kahit ano po, kinakain ko. Kahit gulay," sabi ko at ngumiti.
"Kaya pala kay-ganda ng kutis mo at ng resistensya mo, ang gulay talaga maganda sa katawan," aniya at lumakad na.
Muli akong napatingin sa sliding door na naka-awang. Lumabas ako roon at tumakbo papunta sa malaking apoy mula sa malaking can. Hinubad ko ang sapatos ko at mabilis na hinagis roon ito.
Bumalik ako sa bahay nang naka-medyas na lamang. Sayang ang mamahaling sapatos ko. Pero hindi na bale, kaysa naman mabuking ako.
Tinanggal ko ang ilang damo na kumapit sa paa ko. Nakita ko ang basahan sa pinto. Pinagpag ko iyon at pumasok ako sa bahay. Nakita ko ang ilang naapakan ko agad akong dumapa at saka pinunasan ang mga foot prints ko.
"JEMISHA! OH MY GOSH! WHAT ARE YOU DOING!?" sigaw ni Ate Astraea dahilan para mapatalon rin ako sa gulat.
"A-Ate?" ani Rigel at lumabas ng kwarto niya.
Patakbong bumaba ng hagdan si Ate Astraea habang may hawak na paper bag.
"N-Nililinis ko po 'yong dumi mula sa sapatos ko, nakakahiya po kasi ang linis ng bahay niyo," sabi ko.
Nang makalapit si ate Astraea sa akin ay hinila niya ang braso ko at saka ako itinayo.
"No, you can't do this things here. Where is your shoes? Suotin mo," ani Ate dahilan para lumakas ang tibok ng puso ko sa kaba.
"Iniwanan ko po kasi sa labas," ani ko.
"You're so maka-filipino. Kahit ba artista ka na, now I know kung bakit nagustuhan ka ni Diether. Manang? Can you get her shoes outside?" ani Ate Astraea.
Pilit aking ngumiti. Napatingin ako kay Rigel na ngayon ay nakatitig na naman sa akin gamit ang malalamig niyang mga tingin, still, I am so clueless about what's his thinking...
"Bakit?" tanong ko kay Rigel.
Nagkibit balikat siya at bumalik sa kwarto na mukhang kwarto niya nga.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Misteri / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.