Chapter 30

320 11 8
                                    

Jemisha's P. O. V.

Nagising ako nang maramdamang may tumatapik sa pisngi ko. Pagdilat ko ay nakita ko ang nakangiting mukha ni Rigel. Halos mapabalikwas ako ng bangon sa gulat. Napahawak ako sa puson ko. Sa sobrang pagdaing ko sa cramps ko ay nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. Ano kayang ginawa ng lalakeng 'to. I need to check everything.

"Soup mo, inumin mo 'tong gamot. I bought it from the pharmacy. I have a friend which is a pharmacist, she gave me a medicine for cramps."

Nilapag niya sa harapan ko ang mini table in bed saka ipinatong roon ang soup, water at ang medicine. Napakunot naman ang noo ko sabay usisa sa gamot. Mahirap na. Binasa ko ang pangalan ng gamot, safe dahil nakabalot pa rin sa container, hindi pa niya binubuksan kaya mukhang wala siyang balak na masama sa akin ngayon.

"Bakit, ayaw mo ba? Taste it first--"

"Mauna ka, baka may lason," irita kong sabi.

Agad niyang kinuha ang kutsara saka tinikman ang soup. Inabot niya sa akin ang kutsara.

"Your turn."

Tumango ako. Mukha ngang safe. Tinikman ko ang soup na ginawa niya at namangha naman ako sa masarap na lasa nito. I wonder kung saan napupulot ni Rigel ang kagalingan niya sa kusina, sa pagluluto na never ko na-adopt kay Lola. Palagi kasi akong busy, nagkasakit naman na siya nung lumaki na ako kaya hindi na niya ako naturuang magluto.

"How is it?" tanong ni Rigel at naupo sa kama ko katapatan ko.

"It's good. Magaling ka magluto, honestly speaking."

Ngumisi siya. Bigla itong nahiga sa kama ko. Ilang sandali lang ay nakapikit na siya. Tinuloy ko naman ang pagkain ko hangang sa hindi ko namalayang naubos ko na pala ang soup. Ininom ko ang gamot na binigay niya.

"Rigel, ubos na," ani ko.

Tumayo ako para tanggalin ang table sa kama pero hindi pa rin bumabangon si Rigel. Mukhang nakatulog ang bugok sa kama ko. Wala akong nagawa kundi kuhanin ang mangkok saka baso at lumabas ng kwarto.

Ilang sandali lang pakiramdam ko umepekto ang gamot na ininom ko dahil nawawala na ang sakit ng puson ko. Ito ang hassle kapag may photoshoot, kailangan mo ngumiti pero may sumasakit sa katawan mo. Mukhang no rice rin ako bukas dahil kumain ako ng soup.

Nang mailagay ko sa lababo ang pinagkainan ko ay chineck ko ang nakaharang sa pinto ng basement. Hindi ito nagalaw, meaning, hindi ito nakikita pa ni Rigel, what about the door?

Umakyat ako ng hagdan para tignan ang podlock. Ganoon pa rin, walang nagbago. Hindi na ata interesado si Rigel, seryoso ata talaga siya sa akin. I told him not to be curious in this and here he is, hindi na niya ginagalaw ito.

************

Rigel's P. O. V.

Naalimpungatan ako at pagdilat ng mga mata ko ay una kong nakita ang maamong mukha ni Jemisha. Napagtanto ko na narito pa rin ako sa kwarto niya. Napabangon ako, I looked at my watch, it's already 6:30 in the morning. Nakatulog ako sa tabi ni Jemisha pero hinayaan niya ako. I saw her blanket in me.

We shared a bed. We shared a blanket. This feels like I already won, that she's gonna be my wife, soon.

Napangiti ako. Hinawi ko ang buhok ni Jemisha dahil natatakpan ang pisngi niya. Napakaganda talaga, lalo na kapag tulog siya. Parang kahapon lang ay sa monitor ko siya pinapanood matulog, ngayon ay sa personal ko na siya nakikita, napagmamasdan.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon