Jemisha's P. O. V.
Naglakad ako papunta sa canteen, kasama ko si Soheila, bigla akong naka-recieve ng text.
"Who's that?" tanong ni Heila.
Binasa ko ang text.
"Good afternoon, your motorcycle has been delivered at your place." Then a photo of my house with the motorcycle.
"What? Bumili ka na ng motor?" tanong ni Soheila.
"Alam mo namang pangarap ko makapag-ride gamit motor. Kaya ayoko ng kotse," sabi ko.
"O. M. G. Isakay mo 'ko, kelan ang road trip?" tanong niya at tumawa.
Mas excited na naman siya kaysa sa akin.
"Depende sa schedule ko," ani ko.
"Marunong ka pa ba?" tanong niya.
Tumango ako. Pasikreto akong nagra-ride sa motor noon bago ako maging artista. Mukha namang kabisado ko pa. Hindi lang ako nakabili noon dahil kay Lola, sa gamot ni Lola napupunta ang pera na sahod ko at saka ayaw niya dahil takot na maaksidente ako.
"You're so cool!" kinikilig ba sabi ni Soheila.
Habang nakapila kami ay isang pamilyar na postura ang nakita ko. It's Diether, he's here? Without texting me?
"Hindi ba bebe mo 'yon?" tanong ni Soheila.
"Yep," simpleng sagot ko.
Kinuha ko na ang tray ng pagkain na na-serve. Kinuha na rin ni Heila ang sa kaniya at saka kami naupo sa tables and chair.
"Babe!" bigla kong narinig ang boses ni Diether.
Sabay kaming lumingon ni Soheila.
"Should I give you guys a space--"
"No, it's fine, dito ka lang," sabi ko kay Soheila.
Tumango siya at tinuloy ang pagkain niya habang pinapanood ko si Diether na lumakad papalapit sa akin. Naupo siya sa katabi kong upuan.
"You're eating lunch na pala, by the way, I forgot to tell you na tapos na ang meeting," aniya.
"It's fine. Hindi ka pa ba kakain?" tanong ko.
"Oo nga, sasabay na ako sa inyo, wait," aniya at tumayo.
"Ang sweet ha," kumento ni Soheila nang umalis na si Diether para pumila.
Nagkibit balikat ako. Ilang sandali pa ay bigla na lamang tumunog ang cellphone ni Diether. Hindi ko napansin na naiwanan niya pala rito sa lamesa. Kinuha ko iyon at akmang tatawagin si Diether. Nakita ko namang busy si Diether sa canteen at hindi kami nililingon.
"Jem, look at the name," ani Soheila.
Napatingin ako sa cellphone.
"Jenny? The f*ck is Jenny?" bulong ko.
Hindi ako nagdalawang isip na sagutin iyon. Dinikit naman ni Soheila ang tenga niya sa cellphone habang ganoon rin ako.
Magkakapalit talaga kami ng mukha ng babaeng 'to.
"Hello? Baby? Nakauwi ka na ba? You forgot your watch here in my office," boses iyon ng babae.
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.