Chapter 33

273 15 18
                                    

Jemisha's P. O. V.

Nang matapos ang meeting patungkol sa upcoming movie ko ay nakatanggap ako ng text mula kay Fred. Nakikipagkita na naman siya, nakakapagtaka naman na 11 pm niya gustong magkita kami. He said that he prepared something for me. I'm wondering what it is. Baka naman isa sa mga kalokohan niya, magsisimula na ata siyang paglaruan ako.

"Why you look so serious, who's that--"

Akmang aagawin ni Rigel ang cellphone ko pero mabilis kong iniwas ang kamay ko at napabuntong hininga.

"Bashers," pagsisinungaling ko.

"Really--"

Siniko ko siya. Napakakulit talaga ni Rigel. But even though nakukulitan ako sa kaniya, hindi ko magawang alisin siya sa buhay mo.

"Pwede bang bumalik ka na lang sa dati like our first meet? Super cold, mukhang pasan ang mundo at sarcastic."

"Do you like that kind of personality I have?" tanong niya at mahinang ngumisi.

"Not really."

"I am cold, except on you. Now that you know what I really felt towards you."

Tila ba gumaan ang pakiramdam ko sa mga narinig ko mula sa kaniya. If this is true love, I still don't want it. How can I have a real love in life kung isa akong mamamatay tao. There's no possibility I'll get married, dahil una sa lahat. Ang goal ko lang sa buhay ko ay maghiganti para kay Mama then I can die peacefully.

"Nandito na ang kotse ko," ani Rigel.

May guard kasi na nagdala ng kotse ni Rigel para lagyan ng gas, ano ba namang expected ko sa isang Rigel Staverton, sobrang yaman niya. Ako lang ang makapal na mukhang ginawa siyang alipin ko.

Lumakad si Rigel patungo sa pinto ng passenger seat at binuksan ito. Tipid siyang ngumiti at tinuro ang sasakyan. Naglakad naman ako papasok roon. Inayos ko ang buhok kong nakadikit na sa leeg ko dahil sa pawis.

Pumasok naman si Rigel sa driver's seat ito naupo saka niya binuksan ang makina ng kotse. Nilakasan ko naman ang aircon ng kotse at tinapat ito sa akin.

"Kawawa naman ang prinsesa ko, pawis na pawis," ani Rigel at kumuha ng tissue.

Ramdam ko ang kamay niyang hinila ang braso ko para humarap ako sa kaniya. Dumampi ang tissue sa leeg ko. Napansin ko namang malapit ang mukha ni Rigel sa akin. Napatitig ako sa kaniya, nakatitig siya sa leeg kong basa ng pawis.

Nagpatuloy siya sa pagpupunas ng pawis ko habang napapansin ko naman ang tuloy-tuloy na paggalaw ng kaniyang adams apple. I know he feels something.

"Jemisha..." bulong niya.

"Hhhmm?" himig ko at napatitig sa mga mata niya.

Dahan-dahan lumapit ang mukha niya sa akin. Nakahawak pa rin ito sa leeg ko at ramdam ko ang pagpunta ng kamay niya sa batok ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayaw kong umiwas sa balak niya sa akin.

Kusang pumikit ang mga mata ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa akin. Napahawak ako sa balikat niya. Nang mapagtanto kong mali ang ginagawa namin at ang desisyon kong hayaan siya. Hindi pwede magbago ang nararamdaman ko.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon