Chapter 26

313 10 9
                                    

Rigel's P. O. V.

Napatingin ako kay Jemisha na ngayon ay nakapikit na. Patapos pa lang ang movie pero bagsak na siya sa sobrang pagod. Alam ko naman na nakakapagod rin maging isang model. Napatitig ako sa maamo niyang mukha, napakakinis ng mukha niya.

Gusto kong magpasalamat sa mga nag-alaga sa 'yo, para maging ganito ka kaganda, kalakas, kabait, karesponsable. Minsan nga naiisip ko kung tao ka ba talaga? Bakit mo nakakaya ang mabibigat na ganitong bagay, nabubuhay ka na lang mag-isa. Bakit hindi mo ako hayaan na samahan ka?

Ang dami kong tanong na hindi masagot at kahit anong gawin ko, hindi pwede, hindi niya ako masasagot. Takot ako na baka lumayo pa ang loob niya. I will take everything slow.

Hinawakan ko ang buhok niya. Dahan-dahan kong hinalikan ang tuktok ng kaniyang buhok.

"I love you," I whispered.

Tumayo ako para patayin ang TV at bunutin ang plug nito saka ko kinuha ang plato para ilagay sa lababo. Naisip ko naman na baka naiinitan at mangawit si Jemisha. Bumalik ako sa kaniya para buhatin ito.

"Ang gaan mo pala, kumakain ka ba?" tanong ko.

Nanatiling tulog si Jemisha sa bisig ko. Naglakad na ako paakyat sa kwarto niya. Bago pa ako makapasok sa kanyang kwarto ay napalingon ako sa katapat na pinto nito at nakitang nakakandado pa rin ang pinto.

Ano kaya ang meron sa loob ng kwarto na ito, nababaliw na ako kakaisip. Gusto kong malaman.

Naglakad na ako papasok sa kwarto niya saka siya inihiga sa kama. Hinila ko ang kumot para takpan ang katawan niya. Naglakad ako patungo sa aircon at binuksan ito. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto niya, isinarado ko ang pinto. Bigla kong naalala ang mga camera na nasa bag ko.

Nagtungo ako sa living room para kuhanin ang bag ko. Nakakita naman ako ng magandang spot. Sa ilalim ng DVD kung saan may mga figure ng pampaswerte. Naniniwala pala sila sa ganito? Doon ko idinikit ang camera. Binuksan ko naman ang cellphone ko para i-detect roon. Kita kong buong living room ay mapapanood ko. Ang kailangan ko pa ay sa hallway patungo sa kusina.

Kumuha pa ako ng isa pang camera saka idinikit sa isang vase na nakalagay sa corner ng hallway. Maayos naman ang pagkakakabit ko, sana lang ay hindi niya mapansin ito. Kumuha pa ako ng isa para ilagay sa kusina. Napatingin ako sa paligid. Mukhang lahat dito ay ginagalaw niya. Wala akong magandang paglalagyan.

Napatingin ako sa ibabaw ng refrigerator. Mayroon doong kahon ng microwave. Doon ko idinikit ang camera. Binuksan kong muli ang cell phone para i-check. Napangiti ako nang makita ang mga camera na maayos ang set up.

Napansin ko namang kulang pala ang camera ko. Wala na akong ipanglalagay sa hagdan patungo sa dalawang kwarto sa itaas. Dahan-dahan akong naglakad patungo roon. Napatingin ako sa kandado ng pinto.

Sinubukan kong hilahin ang podlock, masyado itong malaki para masira ko. Kailangan ko atang pukpukin pa ito. Nakaisip naman ako ng ibang paraan. Kinuha ko ang maliit na kutsilyo ko bilang self defense. Kinuha ko iyon mula sa bag, at sinubukan kong kutkutin ang keyhole nito.

"Masyadong komplikado," bulong ko dahil kahit anong pihit ko ay ayaw kumagat ng lock.

Napabuntong hininga ako at binaba ang hawak kong kutsilyo dahil nangangawit na ako.

"Rigel?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ni Jemisha. Nakatayo ito sa harapan ko habang nakakunot ang noo niya sa akin.

"J-Jem?"

"What are you doing?"

"I'm--I'm curious about this podlock..." ani ko at tinago ang kutsilyo ko sa bulsa.

"Don't touch my personal things!" aniya at tinulak ako.

Napahawak ako sa hawakan ng hagdanan. Kamuntikan na akong mahulog. Muli akong napalingon kay Jemisha na inuusisa ang podlock.

"I-I didn't opened it, I'm sorry," ani ko.

"Lahat ng gamit ni Lola nasa loob. Ni-lock ko 'to so I can't see her other things like her clothes. Iniiwasan ko siyang ma-miss, 'yon lang!"

Napalunok ako sa sinigaw niya. It's a wrong move. Now she's mad at me. I didn't realize that, what a shame of me.

"I'm sorry, I-I won't do it again---"

"Get out."

Tinuro niya ang palabas. Kita ko ang galit sa mga mata niya. Wala akong magagawa kundi ang sundin siya. Naglakad ako pababa ng hagdanan.

"Sorry, curious lang talaga ako doon. I understand your feeling and what you're going through--"

"Just get out, Rigel."

"I'm sorry."

"Let's just meet again, go home. Thank you for the food and drinks," aniya.

"Take care, Jemisha."

Lumakad na ako palabas. Rinig ko ang tunog ng susi sa kamay niya. Binuksan niya ang gate.

Naroon kaya ang susi ng kwarto na iyon? Hindi pa rin ako mapanatag, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakikita.

"Ingat ka sa pagda-drive. Bye," cold niyang sabi at ni-lock muli ang gate.

Pinanood ko siyang bumalik sa loob ng bahay.

**********

Jemisha's P. O. V.

"Fuck! Hindi dapat ako nakatulog!" bulalas ko at tumakbo sa kwarto ko para kuhanin ang susi ng podlock.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ito. Napatingin ako sa paligid, walang nagbago. Ibig sabihin ay hindi niya nabuksan ito. Mabuti naman kung ganoon.

"Shit..." bulong ko habang dahan-dahang humihinga ng malalim.

Pinakalma ko ang sarili ko saka muling ni-lock ang pinto. Mukhang kailangan ko ng double lock rito.

Nagtungo ako sa kusina at nakita ko ang mga hugasin. Kailangan ko ito hugasan bago dumating si--

Napatigil ako, hindi na nga pala uuwi si Mama. Malungkot kong kinuha ang sponge at saka nilagyan ng dishwashing. Hinugasan ko ang mga 'yon. Tanda ko pa rin na si Mama ang nagturo sa akin kung paano maghugas ng plato. Tinuruan nila ako maging responsable, na kailangan kong maghugas bago umuwi si Mama mula sa kaniyang pictorials.

Nang matapos ako maghugas ay tumunog ang cellphone ko mula sa kwarto. Umakyat ako at nakita ko ang email sa akin ng isa sa mga kinamumuhian ko.

"Mr. Dial..." bulong ko.

Binasa ko ang email, nakasaad rito na mayroon ulit photoshoot bukas bilang continuation. Piling mga modelo lamang ang kanilang kinuha para sa part 2 ng pictorial. Sinabi rin na ang mga picture ay maaaring ma-feature sa branch sa ibang bansa.

"Yeah, everyone will know this face. The murderer's face."

****************

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon