Jemisha's P. O. V.
Hinawakan ko ang braso ni Diether habang naglalakad kami sa hallway pauwi sa bahay dahil kakatapos lang ng klase namin. Wala namang masyadong pinapagawa ngayon dahil hindi pa finals, alam kong pagdating ng final sem ay saka kami tatambakan ng gawain. I hope magawa ko lahat at maka-graduate kagaya ng gusto ni Lola.
"I am happy seeing you being clingy to me now," ani Diether.
Mahina akong natawa, hindi man lang niya naiisip ang naiisip kong plano sa kaniya. Akala niya siguro mapaglalaruan niya ako.
"Next week, sabado. Pupunta na sa Baguio for shooting, hindi ba may basketball kayo noon?" tanong ko.
"Y-Yeah, bakit sabado agad? Nagbigay na ng schedule si producer?" tanong niya.
Tumango ako. Nakarating na kami sa kotse niya.
"Okay lang naman kung hindi mo 'ko masasamahan. Alam kong mahalaga sa 'yo ang pagiging varsity, sayang naman ang pagkakataon mong magpakitang gilas sa school, transferee ka pa naman," sabi ko at sumakay sa passenger seat.
Binuksan na niya ang makina at saka inayos ang salamin sa kotse at nilakasan ang aircon. Nakatingin lang ako sa kaniya, mukha siyang normal na walang balak pero ako meron.
"Kaya nga, but I badly wanted to support you. Gala rin natin 'yon. We can have a date in Baguio," aniya at hinawakan ang manibela.
Tumingin siya sa akin. Napangiti ako. Ang gwapo niya, resemblance of his demon father.
"Hhmm, maybe after na lang ng game mo. If you wanted, you can come any time. Monday pa siguro makakauwi," sabi ko at napahalukipkip.
"Yeah, right. Ang talino mo talaga, babe."
Pinaandar na niya ang kotse at naisip ko na kailangan kong makapasok sa bahay nila. More closer to your enemy, more likely you are to win.
"H-Hey, Diether."
"Call me, babe."
"Babe," pagiging uto-uto ko.
"Yes, babe?"
"Can I meet your parents. Alam mo naman, big time ang Dad mo kaya gusto ko rin ma-meet if pwede. Kung wala ka nang tinatagong girl maliban sa akin?" mataray kong sabi.
He smirks.
"So you're thinking that I might be cheating on you?" aniya.
"Ayaw mo lang ako ipakilala," inis kong sabi.
"Sure, I will bought you home. Nasa bahay si Dad today. I know magugustuhan ka niya dahil artista ka rin. Industry businesses," aniya.
"That's great. How about your Mom?" tanong ko.
"My Mom is in New York right now. May misunderstanding sila ni Dad, a month ago na but they are not fixing it. I don't know what it is."
"Nag-iisang anak ka ba?" tanong ko pa.
"Yeah, that's why wala akong kaagaw sa lahat. Nakukuha ko ang gusto ko."
"Ang swerte," kumento ko.
"How about you, when will you talk about your parents?"
"They're dead..."
"Oh--I gosh, I'm so sorry."
"That's why I'm living alone. Don't ask how they died because I don't want to remember it."
Bigla kong naramdaman ang kamay niya sa tuktok ng ulo ko. Dahan-dahan niyang sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"I am sorry, I won't ask about it, never. It must be painful," aniya.
Tipid akong ngumiti.
Nakarating na kami sa bahay nila at nakaramdam kaagad ako ng kaba. Ang laki ng bahay nila at sobrang modern. Glass window, tinted. Ang ganda ng pinto nilang malaki. Ang daming halaman sa labas at may mga alaga silang aso na nakakulong.
"Let's go," ani Diether.
Isang babaeng maid ang sumalubong sa amin at yumuko pa kay Diether.
"She's my girlfriend, remember her, nanny," ani Diether.
Napangiti ako sa maid na nakangiti rin sa akin. Hinawakan ni Diether ang kamay ko at hinila papasok sa bahay nila.
Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita ang lalakeng nakatalikod habang may hawak na tasa ng kape. Nang humarap siya ay nakita ko ang itsura nito ng kabataan niya habang nakangiting pinagsasamantalahan ang Mama ko.
"Anak, who is she? We have a guest pala."
Nakangiti ito at tumingin sa akin. Nakaramdam ako ng takot. Naramdaman ko ang pawis ko na tumutulo mula sa sentido ko.
"She's my girlfriend, Dad."
Napangiti ako. Pinilit kong umakto ng normal.
"M-Magandang araw--"
Napatigil ako nang makarinig ako ng sigaw. Agad kong pinikit ang mga mata ko. Naririnig ko ang boses ni Mama na sumisigaw at nanghihingi ng tulong.
"Babe, are you okay?" tanong ni Diether.
Napahawak ako sa ulo ko. Naramdaman ko ang paghawak ni Diether sa braso ko at pilit niya akong inalalayan.
"Babe?"
"Iha? Are you sick?" boses iyon ng demonyo niyang ama.
Nanghihina ang mga binti ko at patuloy lamang si Mama sa pagsigaw sa utak ko.
"PATAYIN MO SIYA!"
Umiling ako at pagkatapos noon ay tuluyan na akong nanghina at nawalan ng malay.
****************
Paggising ko ay iba ang nakikita ko. May isang malaking painting sa tapat ko. Malambot na kama ang hinihigaan ko. Nilibot ko pa ang paningin ko. Nakakita ako ng vase sa corner ng kwarto. May isang lamp na mukhang mamahalin sa tabi ko at may set ng gaming computer at chair sa tabi ng isang shelf.
Napakunot ang noo ko. Mayroon ring laptop sa tabi ng gaming table at tila ba study table iyon. Puno rin ng libro about academic. Mukhang nag-aaral talaga si Diether. Ito nga kaya ang kwarto niya? Hindi ko naman akalain na mahihimatay ako sa ganoong senaryo. Hindi pwede mangyare 'to! Baka sila ang magsamantala sa akin!
Tumayo ako. Mabilis akong lumakad patungo sa pinto pero bago ko pa mahawakan ang door knob ay bumukas ito. Pakiramdam ko ay mahihimatay na naman ako sa kaba.
"Babe!" ani Diether.
May hawak siyang tray, nakakita ako ng soup at may water, sa tabi may gamot. Napakunot ang noo ko.
Mukhang nabaligtad, baka ako ang mayari dito.
"Babe, sorry, hindi ako nakakatulog ng maayos, wala ring sapat na pahinga kaya bumigay ang katawan ko--"
"It's fine, Babe. Bumalik ka na sa kama. I will feed you," aniya.
Sumunod ako sa kaniya. He looks like caring for real. I mean, he wouldn't do this if he doesn't want to. What's his plan?
"Bakit mo 'to ginagawa, Babe?" tanong ko at naupo sa kama.
"I want to take care of you, you're my girlfriend of course," aniya.
Tumango ako. Pinatong ni Diether ang tray sa study table. Nilabas niya ang isang folding table at nilagay sa kama. Saka nilagay ang pagkain.
"You must eat. You said your grandmother just passed away, kaya siguro wala kang pag-aalaga sa sarili mo. I know it's sad but life must go on," aniya.
Kinuha nito ang kutsara, nakatingin lang ako sa kaniya.
"Kumain ka rin." Mabilis kong inagaw ang kutsara sa kaniya at sinubo sa kaniya ang soup.
Kinain niya iyon at bigla siyang tumawa.
"Wala akong nilagay dito, don't be scared. I won't take advantage on you, babe," aniya.
Ngumiti ako at saka hinayaan siyang subuan ako.
"Thank you, babe."
***********
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Misteri / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.