Jemisha's P. O. V.
Isang linggo ang lumipas. Natapos namin ang shooting. Isang linggo rin akong walang paramdam kay Rigel. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, tinitiis ko ba siya o wala lang akong pake sa kaniya.
May parte sa akin na gusto ko siyang makita dahil nami-miss ko na siya pero kailangan ko mag-focus sa goals ko. Hindi ako papayag na maging hadlang si Rigel sa matagal ko nang plano. Kahit na ganito ang buhay ko, may mga tao pa rin talagang tunay. I mean, I've experienced a lot before. Plastic friends, mga siraulong bashers, mga relatives na demonyo.
Bigla kong naisip si Soheila. Hindi ko kakayanin kapag nagalit siya sa akin dahil doon sa mga ginawa ko pero hindi ko siya masisisi. Napatingin ako sa bintana ng van. Pauwi na kami ngayon galing naman kami sa Tarlac, nilibot namin ang buong Tarlac ng isang linggo para sa documentaries. Sobrang nakakapagod, magkakabisa ng lines, maga-act, tapos kailangan mo maging mabait sa lahat ng tao na nanonood o nakapalibot sa 'yo.
Napasandal ako sa kinauupuan ko. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa building ng entertainment. Dala namin ang mga bagahe ko. Kasama ko si Chloe, siya ang may dala ng maleta ko at ilang gamit. Pumasok kami ng entertainment building, nakasalubong namin ang manger ko.
"Madam!" bati ko at saka nakipagbeso-beso sa kaniya.
Bakas naman ang excitement sa mukha niya, mukhang may good news.
"A-Anong meron?" tanong ko.
"You will sign a contract!" masaya niyang sabi.
Napangiti ako. Ano kaya ito?
"Another one? What kind of contract!?" ani ko.
"You'll be one of the main lead in a movie. Magsisimula ang shooting next month. Ako ang nag-offer sa kanila na ikaw ang kuhanin dahil nag debut ka. Medyo madami rin kayong napiling artista. It's a horror movie, will you do it?"
Napakunot ang noo ko. Is this a kind of murdering? Willing ako maging murderer, just kidding.
"It's an honor. Thank you, Madam. I will do my best, hinding-hindi kita ipapahiya sa kanila. Ipapakita ko na magaling akong alaga mo!"
Inakbayan ako ni Madam.
"Just make it sure, kilala ka nila as rising actress and a model. Ilang years ka na rin sa industry at ngayon ka pa lang nag-bo-bloom, huwag mo sirain ang image mo para magtuloy-tuloy. Let's go and sign a contract," ani Madam.
Ngumiti ako at tumango.
**************
Nang makauwi ako sa amin ay nagshower ako, nagsuot ako ng pantulog. Gusto ko na lang magpahinga matapos ang straight na pagpupuyat dahil sa shootings. Halos buong gabi ako nagkakabisa ng script para hindi ako mablangko habang rolling.
Samantalang 'yong kasamahan kong si Gabriella, ilang beses na nagkakamali at nasisira ang shoot dahil sa kaniya, tinuturo na ang tamang posture nagbo-blocking pa rin at nagbu-buffering. Hindi man lang siya napapagalitan ng producer, paniguradong may namamagitan sa kanilang dalawa, kaya sila sobrang bait kay Gabriella. Samantalang ako ay walang magawa, kapag nagkamali nagagalit ang assistant manager.
Kinuha ko ang cellphone ko at akmang io-off ito pero bigla akong naka-recieve ng text mula kay Rigel. Ini-inbox zone ko na nga lang siya.
{Nasa labas ako}
Napakunot ang noo ko. Ang kulit talaga ni Rigel. Pero hindi ko na siya matitiis ngayon. Bumaba ako ng hagdanan, nagmamadali. Narinig ko ang busina ng kotse niya.
Napatigil ako sa pagbukas ng pinto dahil napansin ko ang kusang pagngiti ng labi ko. Bakit naman ganito ang reaksyon ko kay Rigel. Hindi dapat, kailangan ko nang unti-unti siyang iwanan.
Ang tanong lang. Kakayanin ko kaya? Ngayong unti-unti na akong na-attached sa kaniya ng tuluyan.
Lumabas na ako para pagbuksan si Rigel ng gate. Napangiti naman ako nang makitang may hawak siya ng isang bouquet ng flowers.
"Jemisha, bakit hindi mo pa rin ako nire-reply-an?" tanong niya.
Inabot niya sa akin ang hawak niya. Tinuro ko ang bahay ko para yayain siyang pumasok.
Habang nauuna siyang maglakad ay napatingin ako sa kaniya mula sa likod. Bakit ganito? Bakit iba na ang pakiramdam ko kay Rigel. Lumipas lang ang isang linggo na hindi ko siya nakita, nakausap at nakasama. Noon lang ba talaga nalalaman ang halaga ng tao kapag nawala. Kapag bumalik sobrang saya...
"Bakit hindi ka kumikibo? Do you have a problem? Does something happened in your taping---"
Hinawakan ko sa balikat sa Rigel at ngumiti ako.
"Thank you for coming, sakto kasi kakauwi ko lang."
"I know--"
"You know?" tanong ko at napakunot ang noo. "How?"
"I saw a post, pauwi na raw kayo so naghintay ako. Nag-abang," aniya.
"Really? Ginawa mo talaga 'yon? Ganoon ba talaga ako ka-espesyal sa buhay mo? I mean--to do such things like waiting it must be true love."
Bigla kong naalala si Mama. Ganoon ang ginawa ko noong bata pa lamang ako, walang kamuwang-muwang. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ni Mama kaya naghintay ako kung magigising pa siya, kung babalik siya, pero wala na talaga. To some point, it really breaks me into pieces. I don't have a Father, I don't have a Mother either while growing as a teen.
"Okay ka lang ba? There's a tear in your eyes."
Akmang hahawakan niya ang pisngi ko pero umiwas ako at lumingon sa ibang direksyon. Napakurap ako ng ilang beses.
Bigla kong naramdaman ang mainit na yakap ni Rigel. Kusang tumulo ang mga luha ko. Minsan nakakapagod rin maging matatag sa buhay.
"You're so pretty, I saw your photography, posted in social media."
Napangiti ako.
"I know, life is hard. I'm here, handa akong gabayan ka, damayan, magbigay ng saya, kahit ano, Jemisha."
Napalunok ako. His presence comforts my soul as if he's a gift from God. What if he is really... Paano na ako? Ang mga plano ko?"
"I just, miss my Family. My Mother, My Lola. Gusto kong ibalik ang panahon kung saan nakakasama ko pa sila."
Ramdam ko ang pagkabasa ng damit ni Rigel sa kanyang bandang balikat kung saan ako nakadukdok ngayon. Humahagod ang kamay ni Rigel sa aking likuran. Niyakap ko siya pabalik.
"You're so strong. Living alone, facing everything alone. Pero nandito ako, Jemisha. Don't push me away just because you know how to live alone. Let me be your companion in life."
Dinama ko ang ilang sandali na nakayakap ako sa kaniya. Habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya na kay sarap sa tenga.
I will admit it. I missed him. Ignoring him is a choice that I'm forced to do, even though I don't want to.
***********
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.