Jemisha's P. O. V.
Nang matapos ang photoshoot ay nagbihis na ulit kaming mga model ng aming mga damit. Tinanggal ko rin ang make up ko dahil medyo mabigat sa mukha, makapal kasi ang nilagay nila sa akin, kitang-kita ang contour ng mukha kong bilugan.
Napahawak ako sa tyan ko, kanina pa ako nagugutom. Bawal naman ako kumain muna kasi magiging bloated ako. Kanina pa ako nagtitiis. Ang sakit sa tyan maging model. Kailangan ma-mantain ang magandang pangangatawan.
Walang gana akong nagtungo sa trashcan para itapon ang make up cleanser na wipes na ginamit ko. Kinuha ko ang paborito kong lipstick sa sling bag ko saka humarap sa salamin. Nakatitig naman sa akin si Valerie.
"W-Why?" tanong ko dahil sa totoo lang ay nakakailang na siya.
"Paborito mo 'yan? Ang ganda ng shade, bagay na bagay sa labi mo at kulay mo," aniya.
Ngumiti naman ako at tumango. Binalik ko sa bag ko ang lipstick saka siya hinarap.
"I'm too loyal to what's fits me perfectly. Ayoko ng ibang lipstick for daily use. Ito lang talaga," sabi ko.
"Valerie?" tawag ng manager niya.
"Mauna na kami, thank you, have a nice day!" aniya at kumaway.
Kumaway rin ako sa kaniya. Kinuha ko na ang souvenir na set ng cosmetics mula sa brand. Pa-give away sa amin ito para i-post sa social media or gawan ng video. Habang dala-dala ko ang mga iyon ay napatingin ako sa likod ko.
Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin. Hindi ko alam, kakaiba ang pakiramdam pero wala namang tao sa likod ko.
Naglakad na ako palabas, nakaramdam ako ng kaba. Binilisan ko ang paglakad ko papunta sa hall kung saan naghihintay si Rigel. Napalunok ako ng sarili kong laway at magpa-panic na. Nang biglang may humawak sa balikat ko.
"Jemisha!"
"Huh!" sigaw ko at napatalon sa takot.
"Nagulat pa kita, I'm sorry. You left your key."
Malakas ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa hawak niyang susi ng gate ng bahay ko. Pakiramdam ko ay nanginginig ang kamay ko kaya hindi ko alam kung kukuhanin ko ba o hindi. Dahan-dahan kong inangat ang kamay ko para kuhanin iyon sa kamay niya.
"A-Are you okay?" tanong niya.
"O-Opo."
Nang makuha ko ang susi ay nakarinig ako ng yapak ng paa sa likod ko. Napatingin ako roon.
"Jemisha, nag-uuwian na sila, bakit ang tagal mo?" tanong ni Rigel at nilapitan ako.
Kinuha ni Rigel ang mga dala kong cosmetics saka ang sling bag ko.
"Do you need to be checked in a hospital--"
"No! A-ano lang po..." ani ko at humawak ulit sa tiyan ko.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla itong kumulo. Malakas ang tunog na iyon sapat lamang para marinig nilang dalawa.
"O-Oh..."
BINABASA MO ANG
The Psycho's Lipstick
Mystery / ThrillerBehind her red lips... She's a brutal serial killer. WARNING: THIS STORY CONTAINS MATURED CONTENTS. INCLUDING SEX, VIOLENCE, MURDERS. READ AT YOUR OWN RISK.