Chapter 21

349 12 16
                                    

Rigel's P. O. V.

"You're commiting a crime, dude."

Tinapik ni Roger ang balikat ko saka mahinang tumawa. Naglakad siya patungo sa side table ng kama ko at uminom ng wine.

"It's not a crime to protect the woman you love," seryoso kong sabi.

Nakatitig ako ngayon sa malaking screen ng computer ko kung saan naka-connect sa camera na nakalagay sa kwarto ni Jemisha.

"Nag-aaral pa ng law, tapos simpleng ganiyan, hindi mo alam? It's a crime! Watching someone without them knowing? Stalking? Come on, gusto mo bang basahin ko pa lahat ng articles na pwede ka kasuhan?" aniya at naupo sa kama ko.

Napasapo ako sa noo ko. Mahimbing na natutulog si Jemisha, umaga na pero hindi pa rin siya bumabangon. Ang lakas siguro ng kuryente niya, simula kagabi ay bukas ang aircon. It's already 9 am.

"Stop it, bro. I know what I'm doing--"

"Yeah, a crime--"

"Walang law, para sa pag-ibig."

"Wow, nag-attorney ka pa?" natatawa niyang sabi at nilabas ang cellphone niya.

Bigla akong napatayo nang makitang bumangon si Jemisha dahil umilaw ang cellphone niya. Alarm ba iyon? Ano 'yon? Sino 'yon?

"Easy, baka mahimatay ka diyan," pang-aasar ni Roger.

"Tsk, kuhanin mo na 'yong libro ko and get out of my house," inis kong sabi sa kaniya.

Si Roger ay matagal ko nang kaibigan, we're not really close. I am an introvert but we knew each other since highschool. Sadyang ayaw ko lang makisama at makihalubilo sa iba, hindi ako komportable but I still accepted him as a friend.

"Ang sarap ng wine mo, dito muna ak--"

"Labas na!" inis kong sabi at hinarap siya.

Wala siyang nagawa, binaba niya ang glass of wine sa side table at kinuha ang libro na kailangan niya.

"Maganda bang reference 'to?" tanong niya pa.

"Ibibigay ko ba sa 'yo kung hindi," walang gana kong sabi.

"Oo na, salamat bro," aniya at tinapik na naman ang balikat ko.

Lumakad siya patungo sa pinto ngunit bago siya lumabas ay tinawanan niya ako. Napatingin naman ako sa kaniya ng masama.

"You're obsessed, it's not love."

Napakunot ang noo ko. Am I really obsessed? I am doing all of this because I love her.

Nang ibalik ko ang mga mata ko sa screen ay napaatras ako nang makitang walang saplot si Jemisha. Hindi ba siya maliligo?

Mabilis siyang nagbihis ng dress. Ilang sandali lang ay kinuha niya ang cellphone niya. Halos mapatalon naman ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko. Nagbabaka-sakali na ako pala ang tinatawagan ni Jemisha, pero hindi...

I saw my sister's name on my phone. I answered her call.

"Hoy! Nasaan ka na ba? Anong oras na, naghihintay ang trainer mo," ani ate.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon