Chapter 22

341 12 10
                                    

Jemisha's P. O. V.

Nang matapos akong magbihis at mag-ayos ng sarili ko ay nakarinig ako ng busina ng kotse sa labas ng bahay. Lumabas ako ng kwarto dala-dala ang sling bag ko. Maaga pa para sa photoshoot pero iniiwasan ko rin kasi ang traffic. It's better to be early than late.

Nang lumabas ako ng bahay ay nagulat ako nang makita ko si Rigel na nakasandal sa itim na kotse. Napaawang ang labi ko. Ang gwapo niya sa itsura niya ngayon. Nakasuot siya ng polo at jeans. Nakabukas ang dalawang butones ng polo niya sa itaas. Bumagay pa sa kaniya ang gold niyang relos.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

I am expecting for Chloe. Pinapasama sa akin para may assistant ako. Ni-lock ko ang pinto ng bahay ko saka lumakad palabas ng gate.

"Sinusundo kita," ani Rigel.

"Kailan ka pa nagka-kotse?" tanong ko.

"Kanina lang."

Well, ano pa bang expected ko sa mga mayayaman na kagaya niya?

Bigla namang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang text na galing kay Chloe.

{Miss Jemisha, pasensya na po talaga, may LBM po kasi ako ngayon, hindi po ako makakapunta sa photoshoot niyo}

"Who's that?" akmang sisilipin ni Rigel ang cellphone ko pero nilayo ko ito at tinaasan siya ng kilay.

Bakit pakiramdam ko binabakuranan niya ako? Simpleng ganito, privacy naman. I mean, hindi pa kami. Hindi ko naman siya boyfriend.

"Don't you dare check my phone. We're not a couple," sabi ko.

"Sorry."

Nang ma-lock ko na ang gate. Shinoot ko sa sling bag ang susi. Binuksan naman ni Rigel ang pinto ng passenger seat. Naupo na ako roon.

Napatingin ako sa kotse niya at inusisa. May mga plastic pa na seal ang iba, halatang bago. Tapos ako ang una niyang sinakay rito?

"Nice car," kumento ko.

Ngumiti siya at binuksan na ang makina ng kotse. Nilabas ko naman ang cellphone ko saka nag-check ng messages. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita ang litrato ko sa labas ng entertainment noong pumirma ako ng kontrata.

"Gorgeous and kind Jemisha spotted, fulfilling fan's desires."

"What a good headline," ani Rigel.

Ang ganda ng image ko sa public mukhang kailangan ko pa ituloy ang pagiging mabuti ko kunwari. Hindi nila alam ang dami ko nang ginawang krimen. It's better to keep my image good, para hindi nila ako paghinalaan.

Napansin ko naman ang mabagal na pagtakbo ni Rigel ng kotse. Tumingin ako sa kaniya at tutok na tutok siya sa kalsada.

"Ang daming nag-o-over take sa atin," sabi ko.

"Yeah."

"Bakit ayaw mo bilisan?" tanong ko.

"Baka maaksidente tayo," aniya.

The Psycho's LipstickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon